MANANG TSUPER

July-August 2007
Heto na naman ako, ang inyong Manang Tsuper upang magbigay ng konting tips kung paano ba ang mga dapat gawin para madaling makatipid sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Alam naman nating mga Pinoy na ang bawat pera na lumalabas sa ating mga bulsa ay nanggaling sa ating mga pagod at hirap ng buhay dito sa bansang Hapon. Pwes, kung pinapahalagahan mo ang lahat ng iyong pagsisikap, dapat  malaman mo na ikaw ay may kakayahan na magtipid para sa iyong kinabukasan, pati na rin para sa iyong mga mahal sa buhay.
 
Ikaw ba ay hindi masyadong magaling sa pagtitipid? O di kaya ay naiinis ka sa tuwing pagbu-budget na ang pinag-uusapan dahil kahit baligtarin at pigain mo pa ang iyong pay envelope ay talagang kulang pa sa mga bayarin mo? Paulit-ulit mo na rin bang binubungangaan ang iyong mister na maghanap pa ng ibang raket  para mayroon kang pambili ng astringent at kikay kit? Pwes! Aba’y tumanggap ka rin ng labada para patas lang divah? Sundin nyo lang ang mga tips ko at pihadong unti-unti, kayo ay makakaipon.

1. Dapat alamin mo ang pagkakaiba ng “gusto ko” sa “kailangan ko” attitude pagdating sa pagbili ng kahit na anong bagay. Kung noon ikaw ay meron nang sampung relos, ngayon na gusto mo nang magtipid, dapat ay pigilan mo na ang iyong sarili na bumili o dagdagan pa ang iyong collection, magmumukha ka namang may sayad kung isusuot mo ang lahat ng sabay-sabay divah? At iisa lang sa dalawang kamay mo ang pwedeng magsuot ng relos kaya hindi na uubra ang dahil “gusto mo” lang ang style, kulay o tatak kaya mo ito bibilhin. Mage esep-esep ka muna Ineng time is gold!
2. Habang ikaw ay bata pa, dapat alamin mo muna at pag-aralan ng mabuti kung ano ang nararapat na insurance ang iyong kukunin. Dito sa Japan, bukod sa mga uri ng nenkin (pension) ay meron ding silang tinatawag na hoken (insurance), mapapribado man o mapagobyerno. Dapat alam mo kung anong plan ang iyong kukunin na naaayon sa iyong mga plano sa buhay. Kung ikaw ay nagtratrabaho na sa edad na 20 at pangarap mo na magkaroon ng malaking puhunan sa negosyo sa Pilipinas, pwede kang kumuha ng insurance na may ten-year policy at  pagkatapos ng sampung taon, sa edad na 30, pwede mo nang i-withdraw ang iyong hoken kasabay ng maturity ng iyong kontrata. Meron ka nang puhunan sa iyong business at meron ka pa uling choice na kumuha ng mas magandang insurance policy para naman paghandaan ang  iyong pagtanda, at para naman meron ka pang ballroom dancing with matching fafa D.I. dahil ikaw ay certified matronix na suki na ng facelift ! At hindi ka na makipag-siksikan sa Home for the Aged dahil can afford kang mag hire ng caregiver, o di ba bongacious ang lola!
3. Mamili sa supermarket tuwing gabi kapag kalahati na ang presyo ng mga bilihin. Ang mga mabibili mo ay pwede mo nang iluto pang obento ng iyong asawa at mga chikiting sa kinabukasan.
At kung kailangan mo naman ng mga grocery items, mas makakamura
ka kung ang iyong bibilhin ay
ang sariling brand ng super-
market at gamitin mo na rin
ang kanilang point card. Sa
ganitong paraan ay malaki talaga ang tulong nito sa iyong food budget sa loob ng isang buwan. Siguraduhin mo lang na wag pakainin ang iyong pamilya ng pare-parehong putahe dahil ito ay mura at baka pati si Nyan-Nyan at Bantay ay  pagtaasan ka rin ng kilay!  
4. Bumili ng mga damit kung magbabago na ang panahon. Kadalasan na may sale na damit kung magpapalit na ang panahon. Sa susunod na winter time ay pwede mo nang mapalitan ang iyong pinaglumaang turtleneck turned plunging na sweater at pati na rin ang iyong paboritong itim na trench coat na ngayon ay  gray na! At pwede mo ring ipagamit sa mas batang anak ang lahat ng pinagliitan ni ate o ni kuya dahil mabilis din naman nila itong paglalakihan. Pwera lang ang lumang sapatos ni kuya na daig pa ang manggang hilaw sa asim ng amoy, maawa ka naman kay bunso okasan!
5. Bumili ka ng alkansiya at sulatan ng deadline kung kalian mo balak buksan ito. Kung ikaw ay naninigarilyo ng isang pakete sa isang araw, isang paraan ng pagtigil o pag-iwas sa bisyong ito ay ang paghuhulog ng halaga ng iyong
sigarilyo saaraw-araw. Kung ang halaga ng iyong sigarilyo ay ¥280/pack, at kung ito ay iyong hinuhulog sa loob ng isang taon, ikaw ay makaka-ipon ng ¥102,200! Aba,
malaking halaga na iyan para ipambili mo ng zippo na lighter! Ay este para meron ka nang pandagdag sa iyong savings sa ginko. At hindi ka na rin mabansagang si yosi-kadiri !
6.  Dapat turuan mo rin sa murang isipan ng iyong anak ang konsepto ng  pagtitipid at pag-se-save. Ipagbukas mo ng savings account ang iyong anak. At doon mo i-deposit lahat ng cash na regalo sa kanya – maliit man o malaking halaga. Itanim mo sa iyong isipan na ang mga perang bigay sa iyong anak ay para sa kanya ring pangangailangan pagdating ng araw. Sa ganitong paraan ay natuturuan mo na siyang pahalagahan ang value ng pera at pati na rin ang pagiging handa sa kanyang sariling kinabukasan.  
       
--------------------------------------------------------------------

7 Tips ni Darling Daruma On How To Be Happy

Honto ni anata wa saikou ni shiawase desu ka? Sigurado ka bang masaya ka nga? At alam mo ba kung paano mo maaatim ang “ligaya”? Alam nyo bang ito ang mga importanteng katanungan para malaman mo sa sarili mo kung talaga ngang masaya ka.

Kung ikaw ang klase ng tao na gustong mamuhay ng tahimik at masaya habang pinagsisikapan mong huwag magbigay ng hindi ikaliligaya ng ibang tao eh, iba ka! Parang ang hirap ata gawin nyan at lalo na kung ikaw ay isang Pinoy na nakatira sa bansang Hapon na napapalibutan ng mga taong wagamama at talagang kailangan mong mag gaman suru. And so, hindi uubra ang turo dito ni Manang K na “express it, don’t just spray it”!

Kung gusto mong lumigaya, kailangan mong maintindihan na pwede kang maging masaya. Kung kinakailangang gumamit ka ng toothpaste na Happy para ngiti mo ay palaging masaya at magsuot ka ng bakyang Happy Feet para saan kaman mapadpad ay masaya ka ngang talaga! Maraming tao ang nagkakamali sa kanilang paniniwala na sila ay wala na ngang pag-asa at karapatang lumigaya dahil tanggap na nila na ito ay ang kanilang tadhana. Heeelllllloooo! Kung ang ikinakalungkot mo ay ipinanganak ka na isang duling eh hindi ibig sabihin na itatanim mo na lang sa iyong isipan na hindi ka pwedeng lumigaya, aber! Tingnan ko lang hindi ka nga lumigaya kapag nakasulubong mo ang iyong crush – biro mo dalawa kagad silang nakikita mo! At hindi ka pa nga magkandaugaga kung sino ang titingnan mo yung nasa kanan ba o nasa kaliwa! O diba? Ang saya-saya non? At heto ang mga sumusunod na tips ni Darling Daruma para tuluyan na nga kayong maduling... este lumigaya pala!
 
1. Kailangang alamin mo muna sa sarili mo kung ano nga ba ang makapagpapasaya sa yo. Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang basehan kung ano ang ikaliligaya natin. Kung ikaw ang taong maligaya nang kumain ng tamago sa umaga, onigiri sa tanghali at ramen sa gabi para lang mabili mo ang materyosong bag na Prada at makasakay sa mamahaling sasakyan na Prado, meron din mga taong kakaiba. Sila yung maligaya na sa mga simpleng bagay lamang. May mga babae na kahit bigyan mo lang ng kahit na anong klaseng bulaklak gaya ng roses, tulips, dahon ng malunggay (basta ba galing kay Robin!) o chicharong bulaklak eh, masaya na! At sa mga boys naman, merong masaya na sa mga computer chips, microchips, potato chips o chips ahoy! Basta ang importante alam nilang sila ay naalala mo (Ay! Kaya pala napaka heavy drama ng programang “Maalaala mo kaya”) .
 
2. Kailangang gumawa ka ng plano para makuha mo ang kaligayahan na yong inaasam-asam! Kung ikaliligaya mo na magkaroon ng seksing katawan para masuot mo uli ang iyong High School graduation dress, aba eh di umpisahan mo na ang pag-dyedyeta! Kung nakikita mo na malaki ang ibinabawas ng iyong timbang kada buwan kahit na umabot ka pa sa puntong isinasabit ang isang pirasong tuyo para amoy-amuyin lang sabay inom ng tubig eh di go! Dahil alam mo na ito ang nagbibigay sa iyo ng kaligayahan - ang maging isang diyosa ng kaseksihan tulad nila J-Lo at Angelina Jolie kahit na singkatawan mo pa rin si Jollibee ay talbug pa rin silang lahat sayo kasi ikaw pa rin ang pinakamagandang babae sa balat ng lumpia at ang pinaka-importante ikaw ay isang… one two three sing! For he’s a jolly good fellow! For he’s a jolly good fellow, for he’s a jolly good fellow... which nobody can deny! O diba? Ang saya-saya no?!  

3. Kailangang makipagsalamuha ka sa mga taong masasaya. Hay naku! Kung ako sa iyo, kung gusto mong maligaya ang buong araw mo eh di makipag kaibigan ka sa mga taong masasaya at may saysay kausap at hindi doon sa mga taong walang magawa sa buhay at palagi na lang nakabusangot. Aba! Tatanda kang tiyak ng maaga nyan. Eto lang ang masasabi ni Darling Daruma, dadalawa lang ang dahilan why some people can’t mind their own business: una, wala silang mind at pangalawa, wala silang business!

4. Kailangan marunong kang humanap ng solusyon sa mga kapalpakan na nagawa mo kesa ubusin mo ang isang buong araw para maglulupasay at kaawaan ang iyong sarili. Kung ikaw ay bumagsak sa driving test, huwag mong kaawaan ang iyong sarili, dapat ay isipin mong mabuti kung ano at saan ka nagkaroon ng pagkakamali. Sabihin sa sarili na hindi ka na ulit magmamaneho ng naka-reverse ang gear habang green light! Hay naku, pag nagkataon hindi lang driver’s license ang ipagkakait sa iyo pati na rin life insurance ay baka i-disqualify ka! Kaya sa susunod ay sabay ka lang sa agos ng trapiko at unti-unti mong makakasanayan at malalampasan ang mga pagsubok ng pagmamaneho. At baka hindi mo namamalayan ay isa ka na rin sa mga “hari ng kalsada” tulad ng isang jeepney driver: subok na matibay, subok na matatag! Teka lang sandali tibay ba ng nagmamaneho o ng gulong? A basta may tibay na kaligaya-hang maaasahan!  
 
5. Kailangan ding bigyan mo ng importansiya ang iyong sarili sa bawat araw. Lahat tayo ay may kanya-kanyang hilig na pampa-relax o sa madaling salita ay tayo lang ang nakakaalam kung ano talaga ang makapag-papaligaya sa atin, matapos ang isang araw na mabigat na shigoto. Kung feel mong kumain minsan ng chocolates kahit alam mong nakakataba ay GO! Kung feel mong makipag-telebabad o makipag-chat sa iyong friends and family then GO! At kung feel mo rin ang medyo  magpa-sexy at maglagay ng make-up to make you feel good then GO! Pero kung medyo feeling horny ka………… AY SUS! GAMAN SURU! SUMIMASEN DEKIMASEN!!! Delikadong sabi ni Daruma Darling!

6. Kailangan marunong ka ding gawing magaan o masaya ang bawat sitwasyon. Ito yung kahit mahulugan ka ng half-slip dahil maluwag na ang garter ay hahakbang ka lang sabay sabi sa mga nakakita na “ay hindi akin yan ah!” sabay pulot na rin habang tumatawa ka at itanong sa mga taong nakapaligid na “ano pang hinihintay nyo? Dalhin nyo na ito sa lost and found!” O di ba? You were able to make fun of that embarrassing situation! Carry n'yo yon?

 7.  Napakaimportanteng malaman mo na may karapatan kang lumigaya. At para doon sa mga taong naniniwala na sila ay walang karapatang lumigaya ay unti-unti nilang nasisira ang kanilang isipan ng hindi nila namamalayan na wala silang kakayahang lumigaya sa buhay. Kung ikaw ay ipinanganak na bulag, hindi ibig sabihin ay wala na ngang kulay ang iyong mundo! Ang tunay na kaligayan mo ay hindi dapat nakasalalay sa mga bagay-bagay na nakikita lang ng iyong mga mata. Dapat mong  malaman na mas magiging maligaya ka kung higit pa sa labas na kaanyuan ang kagandahan ng  iyong nakikita. Ito yung kasabihan na mas maganda ang isang tao kung maganda rin ang kanyang kalooban! No, no, no! hindi ko tinutukoy ang mga bold stars! Sila yung mga taong may ginuntuang asal at pag-uugali sa buhay! Kaya ang payo ni Darling Daruma: dapat ay marunong kang pumili ng mga kakaibiganin para lalong maaliwalas ang iyong mundo at masasabi mong ikaw nga ay nakarating na sa NIRVANA!!!

Hanggang dito na muna tayo and I will see you again next isyu! Enjoy!