Home
About Us
Subscription
Contact Us
Advertising
Staff
Who We Are
Guestbook
Gallery
Contributions
Utawit
Paraa!
Komiks
Mukha
Centerfold
On The Road
Shitte Iru?
Sunny Side Up
Pagmumuni-muni
Las Fotografias

Japonesque

Geisha kikay
Pasahero
Links
Achi-Kochi
Yield
Traffic
Ai-Chicken
Pedestrian Lane
Stopover
Daijobu Da1
Genki-Genki!
E-Deshou?
Kansai Crusade
Parang Life
Genki
Sa Tabi Po
Manang Tsuper
Sabi At Payo
Travel Journal
Short Cuts
BahAI Kubo
Samurai SakLolo
Jeep Trips
Sign Post



SA TABI LANG PO

by Renaliza Chavez

November - December 2008

PUSAKAL

May bagong tenant sa lumang apartment na inuupahan namin. Isang puting matabang pusang ligaw o "pusakal." Matagal-tagal na rin siyang naninirahan dito ngunit nito lamang siya lumantad sa publiko.

Maraming buwan na ang nakalipas nang may narinig akong mahinang "meow" isang araw, hindi ko lang alam kung saan galing. May ilang araw ko na ring narinig ang mga "meow" na ito nang naisip kong tanungin ang aking ina kung meron nga bang nangungupahan ditong may alagang pusa. Wala raw. Pinagdiinan ko ang aking mga narinig ngunit sinagot lamang ako ng aking ina ng "guni-guni mo lang yun." Sa mga panahong yun, medyo nagduda tuloy ako sa sarili ko kung may narinig nga ba talaga akong pusa o nililinlang lamang ako ng aking isipan at kakonchaba nito ang aking pandinig.

Kahit na naririnig ko pa rin paminsan-minsan ang mga tunog-pusang ito ay pilit kong hindi pinapansin at binubura sa isip ko. Ngunit kung kailan naman binabalewala ko na ay para bang tuksong doon naman lalong nagpapapansin!

Nagsisimula na ang summer noon , mainit na sa araw at medyo may kalamigan pa rin ang gabi. Sa dinami-dami ng gamit sa loob ng aming bahay eh hindi na umubra ang kaunting lamig sa labas kaya't sinimulan na naming paandarin ang aming mumunting aircon. Isang gabi habang ako'y nagpapahinga ay nagulat ako sa narinig kong mga kalampugan sa labas ng sliding door namin. Pagtingin ko sa may saradong sliding door ay may nakita ako na kung anong puting bilugang bagay na gumagalaw sa kabila nito. Sinilip ko at nagtaka ako sa nakita kong parang kuneho na nakabaluktot sa likod ng aircon. Nakatalikod ito sa akin at inakala kong isa talagang kuneho. Ngunit lumingon ito at nakita kong isa palang pusang walang kaliwang mata ang naturang "kuneho."

May ilang sandali din kaming nagkatitigan nitong misteryosong pusa bago ito nagbigay ng isang malakas at mahabang "meow" na para sa akin ang ibig sabihin sa Tagalog ay, "wala po akong ginagawang masama! Sadyang mapang-akit lang po ang mainit-init na usbong nitong aircon niyo!" Hindi ko alam kung anong gagawin. Ang tanging naibulalas ko lang pabalik ay isa ring "meow." Ewan ko kung anong ibig sabihin ng sinabi kong "meow" sa pusa at bigla na lamang itong nagmadaling tumayo at umalis. May nasabi kaya akong masama?

Siguro napag-isip-isip na rin ng pusa na tatawagin nating "Randy" (sige, isipin niyo kung bakit) na tutal nakita nanaman siya at nailantad na ang kanyang katauhan dito ay wala nang saysay ang magtago pa. Kaya't simula noon ay sa pinto na mismo ng apartment o sa hallway tumatambay itong si Randy.

Umasenso na ang estado ng pamumuhay ni Randy magmula ng lumantad siya sa publiko. May nagbibigay na sa kanya ng pagkain at hindi lang basta tira-tira kundi espesyal na "cat food" na korteng isda ba o di kaya'y de-latang tuna na inilalagay pa sa Tupperware kapag inihahain sa kanya. Pati nga ang aking ina ay nakagiliwan din itong si Randy at binigyan din ng tuna. Sinubukan ko ring bigyan ng kapirasong karne itong si Randy na inilapag ko lamang sa harap niya. Inamoy niya lamang ito at hindi kinain, siguro dahil nasanay na siyang de lalagyan. Sabi ko pa nga, "pwede pa yan, wala pang five minutes," ngunit tinalikuran lang niya ako.


Tumigil na si Randy ng kakatulog sa likod ng aircon namin dahil hindi na ito pinaaandar. Lumalamig na kasi ngayon at isa pa, pinaalis na siya ng aking ina doon sapagkat doon siya dumudumi't hindi ito tinatabunan kaya't sa tuwing bubuksan namin ang sliding door ay nag-aamoy utot. Lagi na lang kaming nagbibintangan yun pala ay si Randy ang salarin.

Asensado na ang buhay ni Randy, kinagigiliwan siya ng lahat at walang nagtataboy sa kanya. Buti na lang naging pusa siya dahil kung naging tao siya, sigurado pinagtabuyan na siya dito. Isipin mo na lang, isang taong natutulog sa labas ng sliding door niyo at diyan rin dumudumi? O huwag na lang yan, kahit na lang diyan laging nakatambay sa pinto ng apartment at natutulog sa hallway tuwing gabi. Siguro naman may magbibigay rin ng pagkaing ordinaryo pero sabay paalis. Katatakutan at iismiran dahil mabantot. At siguradong walang lokong magtatangkang hipu-hipuin at kamut-kamutin ang likod ng tenga ng isang "homeless" na kulang ng kaliwang mata. Itataboy dahil hindi cute.

Ngunit kung iisipin mo, bakit kaya ang isa lamang hayop, pinapakain, binibigyang-pansin, hinihimas at inaalagaan samantalang ang mismong kapwa tao naman ay itinataboy? Kahit ako, tatlo ang alaga kong pusa sa Pinas at isang aso. Pinagpupupulot ko lamang sa kalye o basta na lang sumisipot sa bahay at inaalagaan ko. Ngunit kahit minsan ay hindi ko tinangkang magdala ng taong grasa sa bahay at ampunin. Mabuti pa ang mga hayop, inaalagaan o di kaya'y hinahayaan lang diyan kung nasa sa labas ng bahay natin tumatambay. Pero pag taong homeless 'yan, nakakabalisa. Nakakainis. Bakit ganyan ang turing natin sa mismong mga kapwa tao nating madumi, mabaho, at walang tirahan? Bibihira ang mga taong may busilak na puso na nag patuloy ng isang taong ligaw sa sariling tahanan.

Buti pa si Randy. Hayun siya, nakita ko kanina habang papasok ako ng bahay, nasa loob ng maliit na karton ng sulat sa pinto nagpapahinga. Binati ko siya ng "meow-meow" na ang ibig kong sabihin, "pasalamat ka Randy taga-Japan ka dahil kung sa Pilipinas ka, may posibilidad na nasa siopao ka na."

Naintindinhan yata niya yun dahil nagmadali nanaman siyang tumayo at umalis.

-----------------------------------------------------

September-October 2008

"Bawal Pong Magkasakit!"


Kamakailan lang ay nakapunta ako sa isang ospital dito sa Japan. Isinugod kasi namin doon ang kapitbahay kong itatago na lang natin sa pangalang 'Tita'. Sumakit kasi ang bandang balakang niya at hindi niya ito kinaya. Kaya't kasama ang kapatid niya at ang aking ina ay biglang sugod kami ng hatinggabi sa pinakamalapit na pagamutan.

Ayaw kaming tanggapin ng kapitbahay naming ospital. Kesyo daw mahirap dahil hindi kami magkaintindihan dahil wala sa aming magaling mag-Nihongo at wala ang duktor ni Tita. Subalit ang itsura ni Tita na para bang nagpapatawa na sa sobrang pagkapilipit ng mukha sa sakit ay para sa akin, katumbas na ng "universal language." Kahit sinong makakita, maging Intsik man, Pranses, o Aeta, o kahit na siguro taga ibang planeta ay maiintindihang may masakit siTita.

Kinausap na sa cellphone ng duktor na naka-duty noon ang isang kaibigang bihasang mag Hapon ngunit ayaw pa rin kaming tanggapin o bigyan man lamang ng kaunting pampabawas ng sakit ang mistulang iniipit na ang puson ni Tita eh samantalang nung isang araw lamang ay sinabihan nilang magpa-confine na lang siya doon, bakit ngayon ay ni ayaw tanggapin?

Hangga't sa umabot na sa puntong iniisa-isa na sa amin ang magiging bills sa bawat araw kung magpapa-confine doon si Tita kahit ayaw pa nila kaming i-admit at hindi rin daw nila tatanggapin ang insurance niya. Syempre, ang dating kaagad sa amin nun eh para bang minamaliit kami dahil Pilipino kami. Ginatungan pa yun ng mga suot naming tsinelas at kupas na pantulog (ay, ang poor!).

Sabado ang gabing yun, biruin mo bang hiniritan pa kami na hintayin na lang daw ang interpreter na sa Huwebes pa ang dating! Adik ka ba? Nanginginig at nag-iiiyak na si Tita sa pinaghalong panggigigil at sakit, naghihihiyaw na ang kapatid niya ng "tasukete kudasaaai!" sa nerbyos. Isang oras at kalahati din kaming nakipag bakbakan sa duktor at nurse at nung huli ay bahagyang naantig ang puso nila at binigyan kami ng plastic upang hingaan ni Tita. Wala na, nagdesisyon na lang kaming lumipat ng ospital. Nung huli, kahit nangangatog sa sakit ay naibulalas ni Tita ang mga katagang "I will sue this hospital! Bengoshi! I'll report this in the shimbun tomorrow! Shimbuuuun!"

Nag-iba bigla ang timpla. Natakot siguro sila na baka nga idemanda sila't ipadyaryo. Pinababalik kami sa loob kung kailan pasakay na kami ng taxi. Naghahapon sila at nagmamakaawa na bumalik kami sa loob at lalapatan na ng lunas si Tita. Ngunit huli na ang lahat, nakapagdesisyon na kami. Papaalis na ang taxi, mukhang naiiyak sa takot ang naghahabol na duktor habang dinig sa hangin ang alulong ni Tita na "Tomorrow, in the shimbun! Shimbuuun!"

Kung aking naalala ang gabing iyon ay hindi ko mapigilang matawa sa mga eksena na pang pinilakang-tabing at mainis din sa talaga namang nakakainis na sitwasyon. Pero may ganoon din pala dito sa Japan noh? Japan na isang first-world country, isa sa pinaka-makapangyarihan, pinaka-asensado't pinaka-mayamang bansa sa mundo. May ganoon din pala dito? Akala ko sa Pilipinas lang yun, tulad ng mga naririnig ko sa balita na hindi raw tinanggap sa ospital dahil walang perang dala at kung anu-ano pa. Ngunit kami nasa Japan, may dala namang insurance, records at lahat, hindi pa rin tinanggap. Yun ba'y discrimination, di-pagkakaintindihan, o talagang napag-tripan lang kami ng duktor nung gabing yun?

Sa bagay, marami-rami na rin akong naririnig na ganito daw talaga ang karamihan sa mga ospital sa Japan. Napag isip-isip ko tuloy na hindi basehan ang posisyon ng isang bansa sa mundo sa kung ano kabuti itong mag-aruga ng kanilang mga may sakit, lalung-lalo na sa hindi nila kalahi. Tulad na lamang ng bansang ito, mayaman, pinakamagaling sa teknolohiya at marami pang bagay na hindi pa kayang higitan ng ibang bansa. Aakalain mo bang sasablay pa ito sa isang aspetong maituturing nesesidad ng mga mamamayan nito, katutubo man o dayuhan?

Mahirap ang magkasakit sa bansang hindi sa iyo. Nakapanlulumong isipin na nandito ka nga upang makapaghanap-buhay ngunit pagdating pala sa mga emerhensiya ay mauubos lang ang kinita mo at hindi ka pa sigurado kung tutulungan ka nga ba ng mismong lahing pinagtatrabahuan mo. Dapat handa ka kahit papaano, kahit man lang maging handa ka sa pagtawag agad sa mga taong hihingan mo ng tulong.

Sa huli, mas mainam na lang talagang isipin at isapuso ang mga katagang, "Bawal magkasakit!" Ngunit kung talagang hindi maiiwasan at maipit din sa sitwasyong nahahalintulad sa naikwento ko, pwede ka na rin naman sigurong sumigaw ng, "Tomorrow, in the shimbun! Shimbuuun!"

 

 

July-August 2008

Ngayon lang ako tumagal ng apat na buwan dito sa Japan. Madalas kasi dalawang buwan lang ang itinatagal ko dito noon para magbakasyon tuwing summer break sa eskwelahan mula pa noong limang taong gulang ako. Hindi ko tiyak kung hanggang kailan pa ako mananatili dito. Isa lang ang natitiyak ko, ayokong magka-edad na dito.

Bakit? Sa totoo lang, nagbago na ang paningin ko sa bansang ito at sa buhay sa kabuuan (lalim nun ah). Noong "musmos" pa lang kasi ako, wala na akong ibang inasam kundi Japan. Dito kasi may Disneyland, maganda ang lugar, puro pasyal at andito pa ang mga magulang ko. Ang saya-saya! Bukambibig ko talaga ang Japan noon kasi, bilang bata, ang bansang ito na ang "Holy Land" ko. Lalo pa't instant celebrity ka sa Pinas, tinitingala at kinaiinggitan ka ng mga kaklase mo sa elementarya dahil nakapag-Disneyland ka na! Bitin ang dalawang buwan at parang ayoko ng umuwi sa Pilipinas.

Noon yun.

Ngayong apat na buwan na ako dito (apat na buwan pa lang sa iba), eh gusto ko ng umuwi. Nami-miss ko na masyado ang Pilipinas, lalo na ang bayan ko sa Bacolod. Iba na kasi ngayon, hindi na ako musmos, hindi na lang puro pasyal. Nagtatrabaho na ko ngayon dahil kaya ko na.

Naranasan ko na ang hindi ko pa nararanasan sa Pilipinas. Nag-yaya sa iba't-ibang bata, naglinis ng bahay ng iba, at nag-janitress sa school. Nanibago ako at medyo nabigla na rin. Hindi naman sa pagma-mayabang, pero sa Pinas kasi may mga katulong kami at hindi ako gaanong gumagawa ng gawaing-bahay. Ni hindi nga ako marunong maglaba ng aking mga damit pero natuto din akong maglaba pagdating sa Japan dahil wala kaming washing-machine sa bahay. Oo, wala. Dahil yan sa mga teorya ng aking ina -- huwag niyo nang itanong kung ano. Basta, unti-unti kong nilabahan ang mga tubal ko kahit mistulang gag show na ang aking ginagawang paglaba. Nagkasugat-sugat ang mga kamay ko dahil sa sabong panlaba. Ganyan daw kasi talaga kapag dugong-bughaw ka at mala-sutla ang kutis, allergic sa sabon.

Sari-sari ang naging trabaho ko rito. Naranasan ko ng mag-babysit sa bata. Ayos yun, maalwan ang trabaho at maganda ang sahod. Naranasan ko rin mag janitress sa isang international kindergarten school. Doon talaga ako bahagyang nabigla dahil, aaminin ko, medyo may kabagalan akong kumilos at wala akong gaanong alam sa paglilinis. Napasubo ako dahil limang palapag ang gusali nila at ako lang mag-isa ang tagalinis. Akyat-baba at tarantang-taranta ako nung una pero pinilit kong paghusayan ang aking ginagawa at natuwa naman ang mga kinauukulan ng eskwelahan. Para na rin akong nag work-out to the max pagkatapos dahil lupaypay ako pag-uwi. Doon ko lang lubusang nalaman and ibig sabihin ng salitang "exhaustion" at nasabing, "Ang hirap kumita." Ganoon pala kapag wala ka pang tinapos at nangangapa ka pa lang sa umpisa. Ganoon pala.

Dito at ngayon ko lang lubusang minahal ang buhay ko sa Pilipinas at ang Pilipinas mismo. Kahit maglakad lang ako sa kalye at lahat ng nakikita ko, inaasam ko na sana nasa Pilipinas na lang ako. Hindi lang dahil napapagod na ako sa trabaho dito, hindi lang yun. Siguro marami naman sa ating mga Pinoy dito ay nasasabik na sa Pilipinas, hindi ba? At kung anong dahilan man meron kayo kung bakit ay ganoon rin ang sa akin. Pero hindi ako sigurado kung pare-pareho tayong nasasabik na doon. Palagi ko kasing naririnig sa marami-rami na ring Pinoy na walang mapapala sa Pilipinas. Kesyo, walang pag-asa doon, tag-hirap at walang kaunlaran kung mananatili lang tayo doon.

Para bang masyado namang kinukutya ang Pilipinas. Marami naman sa atin ang gustong umuwi ngunit para mag-bakasyon lang at hindi para magtagal dahil sa kaloob-looban nila ay may tinig na nagsasabing, "Wala akong mapapala dito." Naiintindihan ko sila dahil isa na sa kanila ay ang sarili kong ina pero hindi ako.

Hindi ako naniniwala na walang mapapala sa Pilipinas. Hindi ako naniniwalang walang pag-asa doon. Mas pipiliin kong manatili doon at doon na rin mamuhay. Nasyonalista na kung nasyonalista. Ayokong magaya sa mga mas nakakatanda sa aking nandirito rin sa Japan at dito na namuhay at hinubog na ng taon-taong pananatili. Malamang nasasabi nila ang mga negatibong kumento tungkol sa bansa natin dahil sa mga karanasang dinaanan sa Pinas at dahil na rin siguro dito na nila nakasanayang mamuhay at maghanap-buhay kaya they couldn't think of anything else to do but this. In-Ingles ko iyon dahil kapag Tinagalog ko ay medyo masamang pakinggan at nakaka offend ngunit wala akong masamang nais ipahiwatig.

Siguro nga ay bata pa ako, naive, at wala pang gaanong karanasan sa hirap ng buhay pero pinaninindigan ko ang sinabi kong pananaw ko sa Pilipinas. Yun ang paniniwala ko at pilosopiya. At baka nga ang pananaw ko ngayon ay dala lang ng aking kabataan, mapusok at easy-easy lang ngunit hanggang bata pa ako at nandito pa ang "passion" na dala ng aking kabataan, sisikapin kong panatiliin ang pagmamahal kong nararamdaman para sa aking bansa na, nakakatawa mang sabihin, tinulungang ipadama sa akin ng bansang Hapon. Doon ko susubukang mamuhay at maghanap-buhay kung may pagkakataon dahil iyon ang tahanan ko. Sa bagay, bata pa naman ako, baka magbago pa ang isip.

 

 

----------------------------------------------------------------------------------

BEEP-BEEP!

by Avictori Valencia

May-June 2008

Bato-bato sa langit ang masasagasaan huwag magagalit. Ito ay obserbasyon base sa mga pansariling karanasan.

Walang personalan. Masarap mabuhay ng payapa at laging nirerespeto ang dignidad ng ating kapwa: mayaman o mahirap, matalino o mangmang, may pinag-aralan o wala, tsismosa man o mabait, mapanghusga o balanse, malisyosa o totoo, sinungaling o tapat, et cetera, et cetera... Gasgas na gasgas na ang tema tungkol sa mga magkakaibigan. Sa pelikula, telebisyon o maging sa tunay na buhay. Lahat tayo ay mayroong pansariling pananaw at karanasan sa ating pakikipagkaibigan. Meron ka bang kaibigan? Ilan? Marami? Konti? Mabuti ka bang kaibigan? Magkaiba ang mabait at mabuting kaibigan. Sino ka sa dalawa?

I am not a perfect friend, and who is? I have my character flaws and iniquities. Who doesn't? Do you give dignity to your friends and the relationship that you have? Madaling maging mabait na kaibigan pero napakahirap maging mabuting kaibigan. Marami akong kakilala na mabait na ay mabuti pang kaibigan. Marami din namang huwad. Peke.

I am blessed with a lot of both. Tunay man o huwad, and dala nito ay mga aral sa pakikipag-relasyon na pwede nating pulutin para maging mas mabuti at matatag ang ating pakikipagkaibigan. There are so many instances when our friendship is put to test. It can be tested by other people, by chaotic situations, by our own doing, or by the passion and love that we feel for our friends. More often than not, we fail because we expect a lot from them. We expect them to act according to our standard of being a real friend. But we forget that the same friendship is subjected to outside factors. It can be some people who are disgruntled, embittered, jealous, envious, or some who have been hurt by your previous actions or things that you have said unintentionally and has caused pain to others. Or, it can just be plain misjudgment or malicious and baseless accusations disproving one's credibility. Without batting an eyelash, there are people who are always ready to discredit another person by gossip. Gossip is trash. Basura.

Ang tsismosa ay kapatid ng sinungaling. Maraming friendship ang nasisira dahil dito. There are a lot of reasons why friends fall apart, your reasons might be the same as mine, yet it can also be different. No matter how we look at it, friendship falters when one does not uphold its real value and the dignity of being a true friend. Upholding the dignity of a friendship is very difficult to do, especially when confronted with outside factors. Respect is a very vital tool. Delaying the gratification is another. Sabi ko nga maraming mga huwad. Kabilaan. Sinungaling at walang paninindigan. Walang sariling bait, mapanghusga at higit sa lahat ay merong amnesia.


Bakit ko sinasabi ito? If you focus on people, you will be hurt. But if you focus on the One True Friend that we have, we will not fail. I had the greatest lesson of life in friendship. I realized that I had been relying falsely on this friendship to feel good and to help me when I am most vulnerable. God allowed this friendship to fall apart to show me that He is my real friend. Kahit anong mangyari hindi ka niya iiwan, maniniwala siya sa katapatan ng iyong pagmamahal bilang kaibigan. Humarap man sa matinding pagsubok na sisira sa iyong tiwala, hinding hindi ka niya iiwan. Ano man ang marinig niya sa ibang tao na sisira ng iyong kredibilidad, mananatili ang dignidad ng inyong relasyon dahil para sa kanya, ang kaibigan ay tapat mapagkakatiwalaan at higit sa lahat even when you are at your worst, mamahalin ka niya. Sa lahat ng mabubuting kaibigan, mabuhay kayo. Kayo ay yamang totoo na nagbibigay saya kung kaya't ang buhay ay may kabuluhan.

 

March-April 2008
It is not the critic who counts,
not the man who points out how the strong man stumbled,
or where the doer of deeds could have done better.
The credit belongs to the man who is actually in the arena;
whose face is marred by dust and sweat and blood;
who strives valiantly; who errs and come short again and again;
who knows the great enthusiasm,
the great devotions and spends himself in a worthy cause;
who, at best, knows in the end
the triumph of high achievement;
and who, at the worst,
if he fails, at least fails while daring greatly,
so that his place shall never be with those cold and timid souls
who know neither victory nor defeat.
- President Theodore Roosevelt
    (Laws of Leadership by John Maxwell)

Sa ano mang pakikibaka, maging ito ay labang personal, pambayan o usapin tungkol sa Diyos, laging may komento ang mga kritiko.
But there is something we do not know and sometimes we miss to understand. Inspired by the above thoughts of President Theodore Roosevelt, ikumpara natin ang buhay sa isang boksingero. As former heavyweight champ Joe Frazier said, “You can map out a fight plan or a life plan. But when the action starts, you’re down to your reflexes. That’s where your road work shows.” Pagkatapos ng boksing, umpukan ang mga tao, kwentuhan, kanya-kanyang opinion. Hinihimay ang pangyayari, kung paano natalo at nanalo and dalawang panig. Meron namang iba na nakikibalita na lang dahil di nila napanood ang action. But then as President Roosevelt said, it is not the critic who counts, nor the man who points out how the strong man stumbled, or where the doer of deeds could have done them better. The credit belongs to the man who is actually in the arena…

But then, this is the reality of life. The bystanders, the people who think their opinion matters a lot, at mga tao na nagdidiyos-diyosan are not perfect. No one is perfect and without sin, only GOD. It is social injustice when people are sanctioned, misjudged, criticized and prejudiced because of their struggle to fight the battles in their lives. It is social injustice when people do not understand the misery and pain other people have been through. On the outset, the misjudged person failed for some logical reasons. What we do not know is how this person faces the failure. How he feels about the failure and what the failure taught him to be a better person.
 
As sure as I can be, everyone has the ability to stand up after a failure. And to do this, we need to accept that we have failed. It is only after recognizing and accepting our failure that we can start all over again and prove the dignity of our individuality. After acceptance, we need to really be sorry and do all what it takes to prove how repentant we are. Lastly, make it a vow not to do it again.
 
Ganyan ang buhay ng boksingero. Minsan may talo. minsan panalo. Minsan may maling moves, minsan third round pa lang knockout na ang kalaban. Kapag mali ang moves, tinatamaan ng matindi at sa huli ay duguan at halos hindi na maimulat ang mata. Ang mahalaga pagkatapos ng laban, ensayo uli para paghan-daan ang susunod.

Ganyan din and ating buhay. Pasangga-sangga sa problema na dulot ng iba. Iwas ng iwas upang walang masabi sa atin. Tinatanggap ang mga suntok at sa sulok nagmumukmok. Umiilag sa mga bira upang kredibilidad ay huwag masira. Pero, hindi lahat ng sandali ay ganito. Minsan sumusuntok din tayo kagaya ng boksingero, lalo na kung nakataya ang katahimikan ng ating pamilya. Ang ating pamilya na pinagbubuhusan ng sakripisyo, sakit at dusa upang maging matatag na harapin ang mga pagsubok at bumangon pagka-tapos ng unos. Minsan mali ang ating pamamaraan at lugar kung saan tayo ay naninindigan. Pero sino tayo upang manghusga? Kung hindi natin alam ang mga pangya-yari, wala din tayong kakayahan na umunawa. What can we do?
LET US WEAR EACH OTHER’S SHOES AND WALK WITH THEM.


JULY-AUGUST 2007

Compassion means that we suffer with one another, that we accept into our heart the misery another is experiencing. And if we cannot do anything to relieve that pain, just by mere understanding and sharing it, makes that pain easier to bear.
   Kadalasan ay nagiging saksi tayo o di kaya ay bahagi ng mga sitwasyon na masakit sa kalooban, masalimuot at may kurot. Maaring nangyari sa atin, sa ating kaibigan, kakilala, kakilala ng kakilala mo o sa mga taong kinaiinisan mo (huh?). Mga pangyayari sa buhay na parang kuwento sa komiks, soap opera at pelikula.
Naranasan mo na bang lapitan ng iyong kaibigan upang ibahagi ang ilang mga karanasan sa buhay na nagpapahirap sa kanya at sa kanyang kalooban?
   Matuwa ka, hindi dahil may bagong chika kundi dahil may tiwala siya sa iyo. Cherish the moment. Bring out the best in you. Listen attentively, give a part of yourself. And because she trusts you, she seeks the comfort of your friendship. She desperately needs your compassion. She desires to be enveloped in your comforting presence. Huwag mo siyang pagalitan at sisihin. Empathize. Do not impose yourself. Listen with your heart. Make her feel that she is very important.This is one of your defining moments. Give that person a sense of belonging, especially when she is in pain. Ito ay ilang engkuwentro sa buhay na dapat nating pahalagahan.
   Minsan naman, may mga tao din na lumalapit sa iyo na naglalabas ng galit at sama ng loob sa kapwa. Baka pati ikaw ay nakikisakay sa galit niya. Mind you, this happens. The next time you know she has already brought out the worst in you. Pati ikaw ay galit na rin, at pag nakita mo yung kagalit niya iwas ka na din. Kundi man, sumingit na si prejudice. Parang mga bata. Galit, bati, at kampihan.  At kapag humupa na ang lahat sa kanya, at ayos na sila, iiwan ka sa ere at para ka ng si "green eyed monster" sa sama ng loob. Mag-ingat. Be judicious. Do not turn your compassion into a negative passion.
   Masarap na mahirap magbahagi at makibahagi ng karanasan sa iba.
   As a woman, I sought compassion from a person whom I thought was capable of doing so. Sa aming pag-uusap, parang naiintindihan niya naman ako, as she is also a woman. I was wrong. She used my pain against me. I soon discovered that she was maligning my personality with passion. She listened, but she did not mean every single seemingly-compassionate word she uttered. I was terribly hurt. I began to doubt the integrity of a person's sincerity. I always ask, "Is it for real?"
   But then I realized; one, two, three or more betrayals should not dampen my spirit. I must not give up and stop seeking for compassion. I must not stop trusting people, even when betrayed. True enough. Other people came along my way sent by THE ONE above. People who will accept you for what you are. People who will love you even when you are at your worst. Package deal  -  ika nga. But, still, do not be discouraged when this does not happen for Someone is always there, ready and able to love the totality of you unconditionally. As I have mentioned in my first article, it is not the experience that counts most but it is how the experience is wielded to be a better you.
   When we are given the chance to minister compassion, let us give it with dignity. For a person in misery does not need our judgment or criticism. We need balance. Huwag ka lang makinig sa sarili mo. Huwag mo lang gawin ang gusto mo. Mag-isip ka. Ilagay mo ang sarili mo sa sitwasyon ng iba. Magdalawang isip ka. Totoo man o hindi, isipin mo muna kung makakasira ka ng kapwa mo.
   Ating tandaan, ano mang bagay na gagawin at iisipin na hindi maganda sa ating kapwa ay babalik sa atin ng mas masakit pa.
 
-----------------------------------------------------------------------
May-June 2007

ANG SERMON NI FATHER

Ang ating mga salita ay parang isang sako ng bulak na ibinuhos mula sa isang mataas na bulubundukin.

Ayon sa sermon ni Father, there was a man who was asked to go on top of a hill. He was ordered to bring a sack load of cotton and scatter it from there. Napakadali. Pagkatapos ikalat ay inutusang muli ang taong ito upang ipunin at ibalik sa sako ang mga bulak. Madali pa rin?

Ma-imagine mo ba kabayan ang hirap ng taong ito upang ibalik ang mga bulak? This man might be able to collect some but not everything. Some cotton are thrown in different places, near and far, on rocks and on trees, on the soil and on the water, on the mud and maybe blown together with the dust, and so on and so forth… Ayon pa rin kay Father, ang ating mga SALITA ay katulad ng mga bulak na ito. 

Normal na sa atin ang magbigay ng ating opinion o kuru-kuro sa iba’t-ibang bagay, pangyayari or even sa ating kapwa. Ubod tayo ng galing. Minsan, wala tayong pakundangan kung magbitiw ng salita at manghusga. Ang ating mga biro ay may kurot na. Ang ating mga kwento ay pumapatay na ng dangal ng ating kapwa. Ang mga di makatwirang palitan ng salita sa pamamagitan ng tsismis ay siyang nagiging dahilan upang sumikip ang ating mundo. This is true on both genders. Totoo man o hindi, maghinay-hinay. Mas masarap matulog ng walang nasasaktan. Mahimbing at payapang dumadaan ang gabi.

Aba, eh, tunay nga kabayan na ang isang mapanakit na salitang binitiwan ay parang bulak na isinabog at mahirap ng ipunin at ibalik sa lalagyan. Well, may paraan. Alam mo naman pag nakasakit ka, sumisikip ang mundo mo. Maliban na lang kung manhid at deadma lang tayo. Marami kang iniiwasang makita, makasama o puntahan. Kapag madalas na ito, gumising ka kabayan baka merong mali sayo. Hindi pa huli ang lahat.

Maraming paraan pero maikli lang ang panahon. Huwag mahiyang humingi ng pasensya o tawad. Magkusa at magdusa.
As it is, our life here in Japan is emotionally difficult being away from our loved ones. Let us ease each other’s pain through encouragement. Let us help mend each other’s brokenness, and broaden our capacity to understand, love and serve.

Sa lahat ng NANAY, Happy Mother's Day!


March-April 2007

HEAVEN SENT... (HULOG NG LANGIT)

Habang sinusulat ko ito ay panahon na ng Kuwaresma at Tagsibol. Panahon ng isang dakilang pag-aalay ng sarili at isang panahon ng pag-usbong.

Sa ating mga Pilipino, ang Kuwaresma ay isang  mahalagang pagkakataon upang  magnilay  at makibahagi sa paghihirap ni JESUS. It is also an appropriate time for us to think about ourselves and what we have done in retrospect.

It is HEAVEN SENT that we have this opportunity.

Dito naman sa Japan ay panahon ng Tagsibol. Springtime. Panahon ng pag-usbong ng mga halaman at bulaklak na nalanta noong taglamig. Ito din ay pag-usbong ng panibagong pag-asa para sa ating mga Pilipino dahil sa isang Dakilang Pag-aalay ng Sarili (The Passion of Christ). Isang pagkamatay upang muli at muli tayo ay bigyan ng pag-asa. Upang umusbong  at sumibol pagkatapos ng di mabilang na pagkadapa.

Indeed, it is HEAVEN SENT...

Alright, let us stop for awhile and think of all the many instances in our life na pwede nating sabihin... hulog ng langit! Isip. Isip. Isip.

Madami di ba? Think about this, will you consider bad experiences and those people who make your life difficult HEAVEN SENT? Mahirap di ba? But if you go beyond it, and have the WILL to make it so, with GOD's GRACE, all these can be considered HEAVEN SENT victoriously. It is not the experience that matters most, it is how you made use of your experience upang tayo ay umusbong at sumibol and be a better YOU.