|
|
 |
 |
 |
 |
PARANG LIFE!
by Marx Mello
Space Wanted!
The people of Japan live on
something like 10% of the land. This is not due to an inclination to
want to live in each other's pockets, but only this much of the land is
actually deemed livable due to the mountainous nature of the Japanese
islands. Between this fact and the one that has something to do with
127 million people squeezing in to this reside-able land, space becomes
an issue. Tokyo is the culmination of this issue where while some
fabulously large houses do exist, most in this metropolis live in small
apartments likened at times to shoe boxes or rabbit hutches.
Unsatisfied with the amount of room to move at home (or rather lack
thereof), people are forced to find other ways and means to satisfy
their need for space every now and then.
I know first-hand the
claustrophobic experience of living in an average Tokyo-sized apartment
and how this can lead to some urban form of 'cabin fever'. After living
in my first Tokyo apartment for a few months I noticed that despite
often having no purpose to leave the house, I would almost be forced
outdoors to simply wander the streets, simply in need of stretching my
legs - something I would never have done in my home country. The
apartments here are designed to be slept in, but little else, as there
is enough room for bed and bathroom only. One must therefore lead a
life that involves staying out until bedtime and getting out of the
house soon after breakfast. Luckily (?!) life in Japan means that
during the week this is actually highly possible, if not required, with
most people working almost all waking hours. The weekend however, is
generally time spent away from the office and therefore many irritable
at the thought of spending all day in their apartment venture out, in
search of space.
In fact, Tokyo itself is not
entirely full of concrete apartment buildings or corporate skyscrapers.
While they may not be in their abundance, or of the caliber some would
like, parks and recreational areas do exist. This type of space remains
in hot demand and many will ensure they get to the park early in the
weekends in order to be assured the piece of property they require to
spend the whole day there with their book or ipod, or simply chatting
with a friend or two - after all, the inability to entertain at home is
obvious when there is barely enough room at home for one.
Another result of relatively confined living
conditions has meant that creating space for people to come and spend
time relaxing is actually an industry here. While they may not be the
most spacious of places, the 24 hour manga cafes have become incredibly
popular catering not only in their service of comic books, video games
and internet access but also the booths that people spend hours in with
their coffee and comic. These places can be likened to a library, but
the 24 hour aspect, as well as the fact that most stay to read their
books rather than check them out, makes them rather a uniquely Japanese
phenomenon and more places of 'escapism' perhaps. The love hotel
industry is another that obviously caters for those wanting a specific
type of space.
With a challenge of sorts in regard to space,
despite the various 'service providers' looking to help out, people do
get inventive in regard to their requirement for space here. You often
see groups of teenagers that have found a particularly wide part of a
footpath setting up their portable stereos and practicing dance
routines. Or bands getting some practice in down by the river where
sound and space carry no restrictions. The park hosts a great number of
people doing interesting things with room to move, so interesting in
fact, that such places have even become tourist attractions. In my
opinion, the people watching at Yoyogi Park is a must-do activity for
anyone visiting Japan.
Of course, while much of
Japanese land is not able to be lived in, it can make for a nice day
trip to get out of Tokyo completely to enjoy the outdoors. The fact
that you can move around as much as you like and even go the whole day
without spotting a single other human has got to be therapeutic at some
level when you live in any great metropolis - the natural beauty of
rural Japan is simply a bonus. For most city dwellers though, there are
options practically at the doorstep - rather than being escape options
from a day indoors, after experiencing what's out there, they soon
become incentives.
Yosi Break!
Isang araw, habang patungo ako sa aking pinagtatrabahuhan, mayroong
sign board na nakatawag ng aking pansin "...Be nice to smokers, they
won't live as long as you." Sa Japan, napaka-convenient na bumili ng
sigarilyo mula sa mga vending machines na naglipana sa lahat ng sulok
ng syudad at ang karamihan ng populasyon dito ay naninigarilyo o mga
smokers. Sa isang survey, sinasabi na halos 50% ng Japanese adult men
at habang 15% ng Japanese adult women naman ay smokers.
Sa ngayon, laganap na raw ang Non-Smoking hysteria dito sa Japan kaya
unti-unti ng nagbabago ang pananaw ng mga Japanese ukol sa
paninigarilyo.
Tapos na ang panahon na maaaring manigarilyo sa loob ng opisina, sa
tren, at sa mga pampublikong kalye, imbis ay mayroon ng mga "designated
smoking areas." Mahirap paniwalaan na mayroon panahon na pinapayagan
ang paninigarilyo sa loob ng opisina dito sa Japan. Samantalang ang
building ng dati ko pinagtatra-bahuhan ay mayroong patakaran na hindi
maaaring manigarilyo kahit na sa tapat lang ng building. Bukod sa hindi
pagbibigay ng pahintulot na manigarilyo sa opisina, dumarami na rin ang
mga lugar na dati-rati ay maaaring manigarilyo ang mga smokers. Ang
karamihan ng mga ward dito sa Tokyo ay nagdeklara na sila ay
"Smoke-Free" at naglagay ng batas na pagsingil ng penalty sa sinumang
mahuhuling naninigarilyo at lalo na sa pagtapon ng pinag-sigarilyuhan
sa pampublikong kalye.
Wag mabahala at malungkot ang mga smokers, mayroon naman mga
"Smoke-Friendly"na lugar sa mga bus at train terminals, at mga
cublicles sa mga pampublikong kalye, kung saan maaaring mag yosi break,
patuloy sa iyong pupuntahan.
Itong taon, mas marami akong nakikitang mga advertising na pagbibigay
ng kaalaman ukol sa "smoking manners," na ang layunin ay tuluyan ng
mabago ang behavior ng mga smokers dito sa Japan, tulad nga sa pag-iwas
sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar at ang paghingi ng
pahintulot bago magsindi ng sigrailyo, kapag mayroong ibang mga kasama
o tao sa paligid.
Sa lakas ng kampanya laban sa paninigarilyo, lumawak ng husto ang
kaalaman ng mga tao sa mga masasamang epekto na dulot ng paninigarilyo
sa katawan at ang patuloy na pagbaba ng bilang ng mga smokers, sa ilang
taon na nakalipas. Ngunit mayroon namang bagong trend na samasalungat
sa kampanyang ito... kahit na ang karamihan ng smokers ay Japanese
males, mayroon ngayong sumisikat na fashion trend kung saan nauuso ang
paninigarilyo ng mga Japanese females ng cigar o tabako! Minsan nga ay
parang katawa-tawa na makakita ng kadalasang mga eleganteng Haponesa na
may hawak at humihithit ng pagkataba-tabang tabako.
Sa aking palagay, di magiging napakabilis ng pagbabago o drastic na
ipagbabawal ang paninigarilyo sa mga pampublikong lugar o mga
restaurants, tulad ng sa ilang Western na bansa tulad ng U.S. o
England. Ang isang maaaring dahilan ay ang sistema o kultura ng mga
Japanese na kailangan ay pag-aralan at pag-isipan ng husto ang isang
desisyon bago pa ito ma-aksyunan. Kung iisipin, napakalaki siguro ng
kinita ng Japanese government sa "Sin Taxes" ng produktong
sigarilyo.
Sa ngayon parami ng parami ang nagkakaroon na ng interest sa
pagkakaroon ng malusog na lungs o atleast, pagiging considerate sa mga
non-smokers sa kanyang paligid. Ikaw, kamusta ang yosi break mo?
Anong Latest?
Kailan lamang, nagkaroon ako ng pagkakataong makihalubilo sa mga bagong
kaibigan at makapag libut-libot dito sa lugar na aking ngayo’y
tinuturing tahanan. Sa pagkakataong ito, sinamantala kong matuklasan
ang mga makabagong ‘trends’ dito sa Japan upang mas mapalawak ang aking
kaalaman at karanasan, habang namumuhay sa dayuhang bansa. Nais kong
ibahagi sa inyo ang mga kakaibang trends na dito ko lamang sa Japan
naranasan.
Una… sa maniwala kayo o hindi, ginintuang mensahe na
maaari ninyong kainin o inumin! Happy Birthday, Happy Anniversary,
pigura ng isang anghel, bituin, ulap atbp. ay makikitang,
lulutang-lutang sa inyong kape o paboritong inumin. Ang makabagong
ultra fine gold messages ay ginagamit ng mga restaurants dito upang
gawing mas kaakit-akit ang mga inumin para sa kanilang customers. Opo,
tunay na ginto ito na ginawang sobrang nipis upang maging abot-kaya ang
presyo. Mayroong sari-saring klase ng mensahe at ang pinakamaliit ay
nagkakahalaga lamang ng 542
yen!
Ayon sa Guiness World Records, itinalaga ngayong Julyo,
2007 na sa Japan matatagpuan ang pinaka-matandang nabubuhay na lalaki
at babae. Si Tomoji Tanabe, naninirahan sa Miyazaki Prefecture ay
111 yrs. old, habang si Ms.Yone Minagawa, na naninirahan sa Fukuoka
Prefecture ay 114 yrs old!
Nakatikim na ba kayo ng Noodle Burger? Opo, tinapay na
mukhang hamburger ngunit noodles ang palaman. Imbis na hamburger,
ang noodles ay niluluto kasama ng roasted pork at nilalagyan ng
ispesyal na sauce na ang lasa ay parang ramen!
Eto pa ang isa… Pizza in a Cone o tinatawag nilang 'Kono
Pizza.' Nakukuha ninyo bang isipin kung papaano ang itsura at
lasa nito? Kung baga, ang apa ay gawa sa tinapay ng pizza at ang
palaman nito ay keso, tomato sauce, sibuyas, at iba pang toppings ng
isang regular na pizza. Ang kaibahan lang ay maaari mo itong
kainin habang ikaw ay naglalakad patungo sa eki o opisina!
Dahil sa sitwasyon ng mga kababaihan dito sa Japan na
kadalasan kailangan isakripisyo ang kanilang mga trabaho kapalit ng
pag-kakaroon at pag-aalaga ng anak, mayroong bagong trend na
pinamumunuan ng gobyerno ng Japan… ‘Daddies on Leave’ na kung saan
hinihikayat ang mga ama na mag-ukol ng mas maraming panahon sa
pag-aaruga ng kanilang mga sanggol na anak. Sa programang ito,
bininigyan ang mga ama ng benepisyo ng kumpanya na magkaroon ng
child-care leave. Ang layunin ng gobyerno ay pataasin ang bilang ng
pagbubuntis ng mga kababaihan dito sa Japan at ang pag-bigay ng
pamamaran sa mga ama na makatulong sa pag-aalaga ng kanilang mga anak
ay ang nakikita nilang isa sa mga epektibong solusyon!
Sa kaugnay na storya, ayon sa aking mga kaibigang
Haponesa, dati raw dito ay bihira ang mga babeng nasa gulang ng 30s at
walang asawa’t anak (kachiinu o winner), at kung mayroon man ay
nakakaramdam sila ng di pag sang-ayon ng kanilang mga kapamilya at mga
kaibigan. Unti-unti nang nagbabago ang pananaw ng mga babaeng Haponesa
sa ngayon…ang karapatan nilang mamili ng naaayon sa kanilang
‘lifestyle’ ay nasusunod at pinipili nila ang mga benepisyo ng pagiging
single. Sa katunayan, 43% ng mga lalaki at 27% ng mga babae na
may edad na 30 – 34 ay walang asawa’t anak dito sa
Japan!
Iilang taon pa lamang ang aking paninirahan dito sa Japan
ngunit masasabi ko na marami na rin akong nasagap na kaalam at
karanasan upang unti-unti na maintindihan ang kakaibang kultura at
pamamaraan ng mga Hapon. Sa pamamagitan ng pagkalap ng impormasyon
tungkol sa mga nangyayari sa ating paligid, lumalawak ang aking
karanasan at tumutulong gawing mas madali ang aking pamumuhay dito sa
Japan. Kayo, alam nyo na ba ang latest sa inyong paligid-ligid?
Vending Machines… Kaliwa’t Kanan
Tanyag ang Japan sa mga vending machines. Lalo na sa Tokyo, kahit saan
ka magpunta ay tiyak na meron kang makikitang vending machine. Wala pa
ata akong nakasamang turista na hindi nakapansin ng phenomenon na ito
sa Japan. Para naman sa mga tulad natin na nagkaroon na ng pagkakataon
na tumira dito ng ilang taon, isa na itong natural na tanawin. Ang
industriya ng vending machine sa Japan ay patuloy ang paglago at
pagbabago, depende sa makabagong teknolohiya at sa pangangailangan ng
mga customers.
Ang vending machine sa Japan ay matagal ng nagdudulot ng hassle free at
mas murang pamamaraan ng pagbili ng mga inumin. Lalo na sa mga gaijin
na hindi nakakapagsalita ng Nihongo, parang hulog ng langit ang mga
vending machines dahil nakakaiwas tayo sa kadalasang mahirap na
pakikipag communicate sa mga tindera sa convenience stores o
restaurants. Sa katunayan, mayroong katumbas na (1) isang vending
machine sa bawat 23 na tao dito sa Japan at kung iisipin mo ang laki ng
populasyon ng Japan, napakaraming vending machines nun diba?!
Kadalasan, ang mga kumpanya na nagdidistribute ng mga inuming produkto
nila ay mayroong sariling ‘network’ o lugar na kung saan binibenta ang
kanilang mga produkto. Kung mapapansin ninyo, ang mga inuming produkto
na mabibili sa isang vending machine ay galing o gawa sa isang kumpanya
at makikita ang kanilang pangalan na nakapaskel sa mga vending machine
bilang ‘advertisement’ na rin. Kadalasan ay tabi-tabi nakahalay
ang mga vending machine na nagkukumpitensiya para sa inyong mga
yen. Pabonggahan ng disenyo at mga ilaw na tumatawag ng pansin ng
mga customers. Naalala ko nuong mga unang bisita ko sa Japan,
namangha ako sa mga vending machine na kung saan maaari kang bumili ng
hot cocoa. Kahit kasagsagan ng summer season nuong panahon ng
bisita ko ay napapabili pa din ako ng hot cocoa dahil sa kagustuhan
kong malaman kung papaano gumagana ang vending machine at
napapanatiliing mainit ang mga inumin.
Sa kasalukuyan, ang mga vending machines sa Japan ay mas high-tech na
at hindi lamang mga mainit at malamig na sari-saring inumin ang
tinitinda. Ang cigarette at ice cream vending machine ay ilan lamang sa
mga vending machines na masugid na tinatangkilik dito sa Japan.
Kadalasan din sa mga lugar ng unibersidad at mga stop-over sa mga
highway, maaari kang makabili ng mga masarap na pagkain tulad ng
yakisoba, french fries, rice meals, atbp. mula sa mga vending
machines. Pakakatandaan lamang, kahit na ang mga vending machines
ay nagdudulot ng mas convenient na pamamaraan ng pagbili ng mga inumin
at pagkain, dito sa Japan ay hindi pa lubos ng katanggap-tanggap ang
pagkain ng inyong mga pinamili sa pampublikong lugar tulad ng sa loob
ng train at habang naglalakad. Kaya kung mapapansin natin, sa bawat
vending machine, kadalasan ay mayroon itong katabing maliit na silya na
kung saan mo pwedeng kainin/inumin ang iyong pinamili mula sa vending
machine.
Kailan lamang, ang kumpanyang Coca-Cola ay ipinakilala ang
pinakamakabagong bersyon ng vending machines. Isang umaga, habang
papasok ako sa opisina, hindi ko naiwasang lumihis ng lakad ko upang
inspeksyunin ang kakaibang vending machine. Mayroon itong video screen
na naglalaman ng QR codes (matrix codes na ginagamit upang makapagbigay
ng impormasyon na maaaring makita sa ating cellphones). Kung nagtagal
pa ako sa aking pag-iinspeksyon ay malamang na nahuli ako sa trabaho
kaya’t isinulat ko ang website na nakasulat sa screen at makalaong
binuksan ito sa paghahangad na makakuha pa ng karagdagang detalye at
impormasyon. Sa aking pagsasaliksik, nalaman ko na ang makabagong
vending machine ay nagbibigay ng pamamaraan na makabili ng mga produkto
ng Coca-Cola sa pamamagitan ng ating cellphone at habang ginagamit mo
ang pamamaraang ito, nakakakuha ka ng mga puntos sa iyong ‘account’ at
ang mga puntos na ito ay maaaring ipagpalit para sa sari-saring mga
premyo. Dahil sa makabagong vending machine na ito, di lamang
posible ang pagbili ng mga produkto ng hindi kailangan makipag-usap
kanino man, ngunit pati na din ang hindi paggamit ng pera!
Dahil sa matinding kompetisyon sa industriyang ito, ang mga drink
distribution ng kumpanya ay patuloy ang pag-imbento ng makabagong mga
pamamaraan upang makuha ang atensyon at pagtangkilik ng mga customers
dito sa Japan. Mayroon akong nabasa sa isang magazine na mayroong
isang kumpanya na nagbibigay ng ilang pursyento ng kanilang benta sa
isang makabuluhang charity habang ang kanilang vending machine ay
mayroon din kakayahan na tumanggap ng mga donasyon mula sa mga taong
gumagamit nito. Ang bawat kumpanya ay mayroong kanya-kanyang
istratehiya upang makaangat sa kanilang mga kakumpentensya sa
industriya.
Bukod sa ilang mga pananaw na ang mga vending machines ay nagdudulot ng
di magandang tanawin sa kapaligiran, ang kanilang nadudulot na
convenience at reliability sa Japan ay di maaaring maitanggi.
Vending Machines … Kaliwa’t Kanan.
Katotohanan Online
Mula sa pag-usbong ng internet, ito ay naturingang na isa sa
pinakamabisang pamamaraan ng pagpapa-hayag ng sarili (self expression),
sa buong mundo. Dito sa Japan kung saan nangingibabaw ang social rules
na kung saan kinokonsidera na bawal o taboo ang pampublikong
pagpapahayag ng iyong sarili, tulad ng PDA o Public Display of
Affection, lalong nagiging kaaya-aya ang mga benepisyong naidudulot ng
internet. Ang e-mail ay isa sa mga imbensyon na bumago sa pamamaraan ng
komuni-kasyon ng mga tao sa buong mundo!
Bukod sa e-mail, and internet ay nagbibigay ng mga opor-tunidad sa mga
tao na makapag-communicate o magpahayag ng kanilang sarili habang
napapanatili nilang sikreto ang kanilang pagkatao. Ang pagkakataong ito
ay nagdudulot ngayon ng pamamaraan ng social change para sa mga
Japanese dito sa Japan. Ang internet ay naging isang exciting at
liberating na pamamaraan ng pagpapahayag ng sarili, kaya’t naglipana
ang mga inte-resting at minsan kagulat-gulat na mga content na makikita
sa mga online websites.
Bilang isang dayuhan dito sa Japan, ninanais at nagpupur-sige akong
maintindihan ang kultura at pamamaraan ng pamumuhay ng mga
Japanese. Bukod sa upang makaagapay sa kakaiba at bagong mundo na
aking ginagalawan, nais kong pagpalawakin ang aking kaalaman sa
pamamagitan ng pagtuklas sa ang mga bagay na iba sa aking nakagisnan sa
Pilipinas. Ang internet ay punong-puno ng mga kaalaman tungkol sa pang
araw-araw na buhay dito sa Japan, maging sa mga karanasan ng mga
dayuhan o maging ng Japanese. Kailan lang, nakatuklas ako ng mga
bagong websites na tinatang-kilik ng mga Japanese.
Sa usapang online commu-nication dito sa Japan, di mapapantayan
ang tagumpay ng ‘Mixi’. Ito ay ang katumbas ng ‘Friendster’ na mayroon
malawakang pagtangkilik ng ating mga kababayan, maging mga kabataan
hanggang sa mga not so young. Sa mga di pa pamilyar dito, ito ay
ang online website na kung saan ang isang miyembro ay maaaring gumawa
ng profile ng kanilang pagkatao (o gawa-gawa na pagkatao) at maari ding
basahin ang profile ng ibang mga miyembro. Nagbibigay ito ng
pagkakataon na makipag-kilala sa ibat-ibang tao sa buong mundo at
panatiliing ‘connected’ ang isang miyembro sa kanyang mga kaibigan at
mahal sa buhay. Ito ang tinuturingan ang makabagong pamamaraan ng
sosyalisasyon. Bukod sa Mixi at Friendster, mayroon din tinatawag na
blogs at forums, na naging mabisa din na pamamaraan ng pagpapa-hayag ng
sarili. Ang kadalasang mga paksa dito ay tungkol sa mga hobbies o
interes ng isang indibidwal. Pero bukod dito ay mayroong din mga
usapan na ang mga paksa ay mga bagay-bagay na di karaniwang
pinag-uusapan sa pang araw-araw. Tulad ng ‘office complaining’ o
ang paghayad ng mga di mo sinasang-ayunan na pamama-raan o tao sa iyong
trabaho o opisina. Ito ay nagiging isang therapy para sa
mga Japanese na makapag-hayad ng kanilang nararam-daman at makipag-usap
sa ibang mga tao na mayroon kaparehas na karanasan. Lalong-lalo
na sa pang-opisinang kultura ng mga Japanese na nagbabawal sa ganitong
klaseng pagpapahayag ng opinyon o damdamin. Sa karamihan ng mga
Japanese na kumpanya dito sa Japan, ang mga pinuno o managers ay ang
mga middle-aged ‘salary man’ na ang paniniwala at pamamamaraan ay
nanatiling konserbatibo at tradisyunal.
Mayroon din mga blogs ng mga Japanese na ang tema ay tungkol sa mga
problema at hirap sa pag-agapay sa pagkakaroon ng ‘gaijin boss’.
Dahil sa muling pagsigla ng ekonomiya ng Japan (2nd largest in the
world), parami ng parami ang banyagang kumpanya na nagtatayo ng
kanilang mga opisina dito sa Japan upang mabigyang serbisyo ang
Japanese market. Minsan sa aking pagbabasa dito, di ko
maiwasang isipin na mayroon bahid ng diskriminasyon sa kanilang mga
sinasabi, ngunit sa isang banda, ito rin ay isang pamamaraan lamang ng
paghayag ng kanilang mga nararamdaman at nararanasan na kakaiba sa
kanilang nakagisnan ng pakikipagtrabaho o pagkakaroon ng boss.
Isa sa mga matuturing naging extreme online expression ay ang ‘Erogs’
na masugid na tinangkilik ng mga babaeng Japanese. Ang online
website na ito ay nagbigay ng pamamaraan ng malayang pagpapahayag ng
kanilang mga sekswal na pantasya at mga karanasan na hindi
pangkaraniwang pinag-uusapan ng mga babaeng Japanese, maging sa
kanilang mga kaibigan.
Isa pa sa higit na extreme online expression dito sa Japan ay ang
‘Pantsu Getta’. Ito ay isang online treasure hunt game na
maaaring salihan ng kahit sinong mayroon internet access. Ang mga
babaeng miyembro ng website na ito ay nagtatago ng kanilang pang-ilalim
na kasuotan (panty at bra) sa mga pampublikong lugar at unti-unting
nagbibigay ng mga clues ng kinaroroonan nito sa mga miyembro ng online
website. Sa bandang huli, kung sino man ang unang makahanap nito
ay magdedeklara ng kanyang tagumpay sa online website. Hindi ako
sigurado sa kung anong aspeto ng pansariling pagpapahayag ang
naidudulot nito ngunit nais ko lamang ihayag ito na isang ehemplo ng
malayang, pansariling pagpapahayag sa internet dito sa Japan.
Ang pagtuklas sa mga online websites na tulad ng nabanggit ko ay
nagbibigay ng pagkakataon ng mas malawak na pagiintindi sa laki ng
pagkakaiba ng Japanese cyberworld sa kanilang Japanese society at
sa lawak ng naidudulot na laya para sa pansariling pagpapahayag ng
paniniwala at damdamin. Sa aking palagay, ang mga kaalaman na ito
ay nagbibigay sa akin ng mas ‘realistic’ na pananaw tungkol sa mga
Japanese at ng kanilang paraan ng pamumuhay. Ang Japanese culture at
society … tunay na kakaiba at kaaya-ayang tuklasin…
------------------------------------
The Last of the Mohicans
Ever took a short break from the wind and grind of our daily life and
wondered about what is the essence of your life? Are the priorities
that we have set, really what we want or just what we need to do for
practicalities sake? What the future holds for you and where it is
going to take you? Do we have any concrete control over its outcome or
are we all destined to play a part in a pre-determined history that is
orchestrated by a higher being?
I’ve recently had the chance to do so… its both enlightening and scary
to realize how fast time has passed and I am now at this stage in my
life wherein I am expected to take on more crucial responsibilities
and 'bring it to the next level' (so to speak). This
December, I will be attending the wedding of my best friend in the
Philippines. He’s been a buddy since our high school years and I am
sincerely happy for his decision to finally tie the knot with his
long-time partner. His profession in the Philippines gives him a sort
of celebrity status and according to him, he has to consider such
decisions that may affect his heart-throb status (hearth-throb daw sya,
according to J) in their industry.
My best friend and I were actually for a long time, two of a kind in
our group of friends or 'barkada.' The last 2 remaining 'single' guys
out of 6 … then, after December … and then, there was 1… The Last of
the Mohicans (phrase we borrowed from a popular movie in the
90’s). Our other friends were fortunate enough to have
crossed-paths with their soul mates early in their lives and are all
now blessed with such wonderful and beautiful children, most of which
are my mga inaanak (utang muna si Ninong this X’mas ha, hehe J ).
Thinking about the wedding event brought back flashes of memories
during our college days… carefree and full of idealism. My
friends and I went to the same state university in the Philippines and
were branded as the 'cono kids' by our Fraternity brothers… mostly
interested in car modification, fashion, and of course, girls!
Schooling? It was just a convenient means to be able to get our
allowances from our parents ( I hope my mom doesn’t get to read this
article, hehe J). My college days were some of the most fun and
significant times of my life that meaningfully influenced my persona
today. Among other things, I had learned some of the essentials in life
that were not taught in the classroom or found in any textbook.
Being The Last of the Mohicans has all of a sudden brought me to a
realization, what does my future hold for me? While growing up, I was
taught that in general, people follow a certain path or undergo stages
in life :
1) We spend our 1st 25 years for ourselves, accumulating knowledge by
attending school and obtaining initial work experiences that will
prepare us to become independent and capable
individuals.
2) The 2nd 25 years are spent finding our partner in life and caring
and providing for our loved ones and ensuring that the next generation
will have a better head start than what we had.
3) The last 25 ++ years are spent with the intent to try and give back
to society and establish the highest form of human need which is
self-actualization (Abraham Maslow’s Hierarchy of Needs).
In general, these 3 stages are better experienced in this sequence and
timeline. Deviance from it, more often causes discontent and a feeling
of regret. This made me analyze which stage in my life do I
belong to now, have I deviated from it or ignored the supposed
timelines?
Wouldn’t it be great to have a crystal ball and be able to foretell
your future, avoiding mistakes, heartaches, and decisions that
are detrimental? I guess the answer is NO. The essence of life is the
journey that we take and how we are able to touch the lives of other
people and make a difference in the world by taking risks and learning
lessons from our mistakes and vulnerability as human beings. I guess
that’s the price we have to pay for the greatest gift of all … free
will.
In marriage, we can all just take a calculated risk… actually, most of
the time with high risk. And with a lot of hard work and a little
bit of luck, things will turn out to be as ideal and as acceptable for
us.
Sure enough, the benefits of being able to spend your life with a
lifetime partner and not having to take the 'journey' alone; being able
to care for and pass-on to your children all the lessons and guidance
to help them go through life at an easier course makes the risk factor
a lot more acceptable. After all, what’s the sense of our life if
we don’t primarily live it for others who are dear to us?
We each have our own destiny to fulfill. Surely, it will be a roller
coaster ride filled with joys and sorrows, successes and failures,
lessons learned, acquired wisdom, important people, loved ones, and so
on, so on. I wish you all the best of luck.
As for me, I don’t know what the future holds… let it be that way… what
matters is that I know what I want the outcome to turn out and I am
determined to achieve my dreams and ambitions. I’ll most probably
be working on allowing the last of the dieing breed of Mohicans go into
extinction, its inevitable. We all have to move forward and
follow our human nature and basic instinct to fulfill our needs
(ganbaruzo).
Allow me to end my article by sharing to you one of my favorite
quotations from Steve Jobs, writer and co-founder of Apple Corporation.
“The difference between school and life? In school, you’re taught
a lesson and then given a test. In life, you’re given a test that
teaches you a lesson.”
|
|
|