ACHI-KOCHI
 

ACHI-KOCHI

by Rey Ian Corpuz

September-October 2008

Pagmumuni-muni sa Ika-Isang Taon

(Sorry but the server host cannot display Japanese characters. Sorry for the inconvenience.)

This month marks my first year of stay here in Japan. I can't believe that I survived here in Japan being almost alone all the time. If not because of some Filipino friends and other few good Japanese colleagues, I would have gone home after my 3rd month.

Isang bagay na napapansin mo na may mga Pilipino sa paligid is kung may mga masayang nagkukumpulang nag-uusap. Nasa loob ako ng tren noon at narinig na may nag-ta-Tagalog sa mag bandang dulo ng coach. Nung bumaba ako, bumaba din sila. Nung mga araw na yun, I almost felt that I am the only Filipino who lived in that place. Kaya ang sabi ko eh dapat kapalan ko na ang mukha ko na magpakilala dahil gusto kong maghanap ng Pilipinong kausap. Iyon ang ika tatlong buwan ko sa Japan at hindi pa ako nakahanap ng mga Pilipinong malapit sa lugar ko. Not until that moment. I approached them and asked if they are Filipinos, which is really obvious. Apat sila. Dalawang babae and dalawang lalake. Then finally they acknowledge and we instantly became friends. To my surprise the other guy was actually the person na kasabay ko bumili ng plane ticket sa Discovery Tours sa Makati. What a small world kung baga! After that I was introduced to a lot of Filipinos in the area. Di ko akalaing ang dami palang Pilipino sa lugar ko.

Mahirap ang Nihongo. Isang beses ako ay nagkamali ng pagkaintindi. May nakita akong isang poster ng exhibit na nakapaskil sa loob ng tren. It says ‘—§”•¨ŠÙ. Akala ko yung event eh sa Kunitachi (‘—§) gagawin kung saan ako nakatira. Yun pala ang ibig sabihin ng ‘—§”•¨ŠÙ eh Kokuritsu Hakubutsukan which means National (kokuritsu) Museum (hakubutsukan). Buti na lang at sinabihan ako ng boss ko na mali ang pagkabasa ko ng kanji. Masyadong komplikado ang customs ng mga Japanese sa loob ng isang typical na company. Unang una kong nalaman is never to be late. Pangalawa, bawal naka dekwatro ang mga paa pag nakaupo. Sabi ng boss kong Japanese eh ang shacho lang daw ang gumagawa nun. Mahilig ang mga Japanese boss ng last minute work. If the clock strikes at 5:30 to 6PM, diyan pa sila nagbibigay ng mga trabaho. Kaya minsan nakakansel ang mga gimik. Naranasan nyo na bang mag lead ng chourei? Ang chourei (’©—ç) ay ang umagang assembly ng buong empleyado ng company. I led the chourei for 3 months kaya napilitan akong mas maagang pumunta ng opisina para hindi ma late. Until now, I still memorize the script in Japanese on how to do the chourei. Mahilig din sa mga drinking parties or enkai ang mga Japanese. Maghanda ng extrang pera dahil iba dito sa Japan. Hindi kagaya sa atin na sinasagot ng company o di kaya salary deduction or di kaya 50/50 ang gastos pag may company night out. And do not expect too much on the food. If you spend \5,000 for that enkai, do not expect to have a food fest. Expect only few meat-based dishes and the rest would be all salads. Food in Tokyo is quite expensive. It is also only here in Japan that I have developed the taste for natto. During my 6th month, I was able to consume 3 boxes of it on top of rice and soy sauce. Una medyo nandidiri ako pero nung kalaunan, nagustuhan ko at na discover ko na ang sarap pala nito. Now I am a natto addict.

After experiencing Japanese culture, I began to have more respect and a sense of appreciation for our culture. The differences we see from their culture are also reflections on how we behave and act as Filipinos. Our language, food, customs, and different traditions should be given importance and preservation. We should be proud of them just like the Japanese. People tend to say that you will begin to value the things around you if they are already gone. It's true. When I went here, I appreciated the way how lively and dynamic the Filipino culture is. We always have a high regard for the elderly and for our family. We always have a high regard and value towards life and its existence. Even how many times we fall from our problems, we still consider it as a blessing and just a challenge. I thank God for knowing a lot of random Filipinos who already became my friends and helped me along the way. Now, it is my mission to also help Filipinos especially random ones who have difficulty in fitting to a Japanese society. As the movie says "Pay it Forward."

 

July-August 2008

Tokyo's Rush Hour

Hindi ko lubos maisip na pwede ka palang himatayin or di kaya ay ma aksidente pag ikaw ay sumakay ng tren dito sa Tokyo kapag rush hour. Opo, ito po ang muntik ko nang sinapit. Unang umaga ng trabaho, ako ay umalis ng bahay 7:30 AM. Sa platform ng eki ay marami nang tao ang nag-aabang. Buti na lang ang Chuo Line, isa sa mga pinaka mataong linya ng tren sa Tokyo, ay halos bawat minuto dumadating. Nung dumating na ang tren, lubhang siksikan na. Talagang masikip ngunit pilit kong idinidiin ang sarili ko. Cool lang ang mga tao sa loob. Nakikinig ng MP3 player, nagbabasa ng manga, libro, newspaper, magazine or kinakalikot ang kalinang mga cellphone. Nung pumasok ako ay gitgitan na. Nakatayo lamang ako sa buong biyahe. Ito pala ang rush hour sa Tokyo. Ang buong biyahe ko ay tahimik maliban sa mga naghihilik na mga salary man na naka suit and necktie. Mahirap gumalaw noon dahil ang mga tao ay mukhang sensitibo sa galaw. Ang halos lahat ng nakaupo at himbing sa pagtulog at feeling nasa bahay pa. Ang iba ay naka buka ang bunganga habang naghihilik, at ang iba ay kamukha ni Sadako sa The Ring, naka yuko at buhaghag ang buhok. The worst thing that will happen to you inside the train is probably kung katapat mo ay ang mga salary man na ang babaho ng mga hininga. Hindi ko lubos maisip kung nag-toothbrush sila before going to office. May mga salary man din na masyadong sensitibo sa mga galaw mo. Kung masasagi mo lang sila at pagsasabihan ka na. May isang pagkakataon ako ay sumakay na naka earphone. I was playing techno music at that time. I admit na medyo may kaingayan ito kaya grabe ang puna ng matandang salary man sa akin at maingay na daw masyado para sa kanya. Kaya ayun hininaan ko na lang.

Minsan, na delay ang train for one hour, hay naku talaga at ang daming tao na naka tayo sa platform. Everyone wants to get in. Nakasakay lang ako on the third train na pumasok. Grabe ang siksikan. Kahit pa na alam ng mga tao na para na kaming sardinas sa loob, pilit parin nilang pumasok na kung di mo malaman kung saan ka pa pupunta. I was gasping for air and everytime the train applies break, the pressure of falling people behind me are pushing against me. Muntik na akong ma suffocate but I was thinking nakakahiya ang mawalan ng malay sa tren lalo na pag rush hour. So I was quick to find a suitable place near the edge of the priority seats. Kumapit akong parang tuko sa hand-bars to find refuge over the crushing pressure of people. The bad thing about being near the exit is that when a lot of people get off in a station, mababalibag ka rin at itutulak ka ng mga tao pag nakaharang ka. I was pushed in two occasions. Buti na lang at maagap yung paa ko when I stepped out of the train because in between the train platform and the car, medyo may gap kaya pag hindi ka alisto, patay kang bata ka, at baka ikaw ay madidisgrasya. Mas masahol pa sa mga commuters ng MRT sa Edsa ang mga Japanese sa Tokyo basta rush hour. They will really fight for their turn to board once na malapit na silang ma late. Remember that if a train is delayed, you can always get a densha chien shoumeisho in the station kung saan ka mag e-exit. This is a train delay certificate which you show to your boss. With this, di ka mapapagalitan ng boss mo and hindi pa babawasan ang sweldo mo. Just make sure na tumawag ka ahead of time na mahuhuli ka at wag mong kalimutang kumuha nito sa station master na lalabasan mo.