MUKHA 
ni Arlene Dinglasan

September-October 2007

Mahilig akong magmasid ng mga tao. Paborito kong titigan ang kanilang mga mukha. Napakamisteryoso kasi para sa akin ang mga ito. May mga mukhang tila may nakaukit na’ng ngiti maging ano man ang nararamdaman ng puso.  Mayroon ding mga mukhang kahit nakangiti ang mga labi ay bakas ang lungkot o hirap sa mga mata, o kahit nakangiti ay napagkaka-malang nakasimangot. At may mga mukhang kasabay ng pagngiti ng mga labi ay umaaliwalas ang buong katauhan dahil sa kinang ng mga mata – mga kinang na kung hindi man dulot ng kainosentehan ng pagkabata ay dulot ng karunungang bunga ng marami o malalalim na karanasan sa buhay na nasasalamin sa naglalalimang mga pileges sa mukha.

Alalaong-baga, hindi man maabot ng aking balintataw ang nasa likod ng mga mukhang iyon, nagkakasya na lamang ako sa pagtitig sa kanila. Paminsan-minsan, nagkakaroon ako ng pagkakataong alamin o silipin ang posibleng ugat ng bawat ngiti o ng bawat pileges…at kung minsan pa nga ay napapanood ang unti-unting paglalim ng mga pileges na ito kasabay ang pagdilim ng paligid ng mga mata dahil sa tagal ng pagkakakilala ko sa kanila. Halimbawa nito ay ang ating Mukha ngayon – si Lita Almedina.

Sa isang maliit na apartment sa Naka-meguro, nakasama kong manirahan ng mga ilang buwan si Ate Lita. Marahil ay dahil lumaki siya sa Muntinlupa – kahalubilo ang mga preso, kaya’t kapansin-pansin ang katibayan niya sa hirap. Katibayang lalong napapagtibay ng likas niyang pagkamasayahin at pagiging palangiti.  Hindi po nasintensiyang kriminal si Ate Lita. Pero sa preso na siya ipinanganak, lumaki at nagkaisip sampu ng 6 pang mga kapatid dahil superintendent dito ang kanyang ama, at isa namang guro ang kanyang ina.

Bagama’t matibay naman ang relasyon ng kaniyang pamilya, bata pa lamang si Ate Lita ay palipat-lipat na siya ng tirahan sa kanyang mga kamag-anak sa Pangasinan, Maynila at Muntinlupa. Sa ganang kaniya, ang karanasang ito ay nagdulot ng isang mahalagang aral – “natuto akong lumaban sa buhay at kahit saan ako mapunta, alam kong kaya kong suungin anuman ang maging buhay ko doon”.

Nagtapos ng B.S. Mathematics sa Far Eastern University si Ate Lita ilang taon matapos siyang pahintuin ng kanyang ama sa pag-aaral ng Medical Technology sa Centro Escolar University dahil napabarkada lamang ito at ginugol ang oras at pera sa pakikipag-inuman at pagsisigarilyo sa halip na pag-aaral. Pero pagkatapos ng nasabing kurso, agad siyang natanggap bilang guro ng Physics, Mathematics at Chemistry sa isang mataas na paaralan sa BF Homes sa Paranaque. At hindi nagtagal ay nagkaroon ng tatlong anak na sina Sheila, Ian Marc at Kim Karlo.

Sa kabutihang palad, malapit ang swerte kay Ate Lita. Ayon sa kanya, “madaling makakita ng trabaho sa Japan basta’t marami ka na’ng kakilala… maraming trabaho basta’t hindi ka lang mapili.” Bagama’t nagtiis siya bilang isang overstayer sa Japan, hindi nagtagal at nakakita siya ng visa sponsor sa isang embassy kung saan nagtrabaho siya bilang babysitter at cleaner. Mula noon, sa loob ng 15 taon, mula Lunes hanggang Sabado at kung minsan ay isinasali na rin ang Linggo, araw-araw ay 3 bahay ang kanyang nililinis upang makapagpadala ng perang pantustos sa pangangailangan ng kanyang mga anak. Pero sa kabila ng pagod pagdating sa bahay, nakangiting mukha pa rin ang bumabati sa akin. Sa kasalukuyan, may 2 anak na rin si Sheila at isang anak si Ian habang si Kim naman ay nasa 2nd year ng pag-aaral ng Informatics.

Sa kabila ng kasipagan sa trabaho at pagkita ng pera, may oras pa rin si Ate Lita sa ibang bagay. Sabi nga niya, “kahit anong hirap ko sa trabaho all week, pagdating ng Sunday, masaya ako!” At ang nakapagpapasaya sa masipag nating Mukha? Ang maging volunteer worker sa Philippine Pastoral Center, isang religious NGO sa Tokyo na nagbibigay ng proyektong gaya ng pilgrimages, counseling at counseling seminars, House-to-house Evangelization at iba pa. Isa rin siyang miyembro ng Handmaids of the Lord ng samahang Couples for Christ sa Tokyo.  Bukod sa pamilya, ang pagiging bahagi ng PPC at CFC ang siyang nagiging inspirasyon niya para patuloy na maging matatag sa buhay-dayuhan sa Bayan ng Bukang-liwayway.

Sa ngayon, ang tanging pangarap na lamang ni Ate Lita ay makapagpatayo ng isang boarding house na siyang pagkukunang-buhay nilang mag-asawa pagdating ng panahong uuwi na siya sa Pilipinas at muling balikang-tanaw ang makulay na buhay na kanyang naranasan sa bansa ng mga Hapon.

“Kung ano ang tingin mong makapagpapaligaya sa iyo, as long as hindi ka nakakasagasa ng ibang tao, sundan mo ang daang ginagabay sa iyo ng Diyos nang masaya,” nakangiting bilin ni Ate Lita sa kanyang mga kababayan… ngiting hindi lamang mababakas sa mga labi… hindi lamang kumikinang sa mga mata… kundi pati na rin sa unti-unting lumalalim na mga pileges sa paligid ng mga ito.


March-April 2007




As usual, lagi tayong on the lookout ng mga Pinoy sa Land of the Rising Sun para kilalanin dito sa Mukha.  Sa mga nakaraang issues, nakakilala na tayo ng iba’t-ibang mga kababayan natin mula sa iba’t-ibang sector – may mula sa bicultural families, estudyante, domestic helpers, drivers, o mga simpleng mukhang pamilyar man o hindi sa Filipino community, ay hindi natin masyadong nakikilala. Sa Spring issue naman natin ngayon, gusto kong ipakilala sa inyo ang isang ulirang doctor na matatawag nating isa na namang bayaning Pinoy sa Japan…si Dr. Liezel Lagrada.

Sense of sight.  Tingnan muna natin ang kanyang pinagmulan.

“I was born in Brooke’s Point, southern town of Palawan. I came from a big family- 4 boys and 4 girls. I’m the 4th child so at a very early age, I learned to share food and toys and to be responsible for the younger siblings. Although I enjoyed all the games that we played when we were kids, patintero, tumbang preso, Chinese garter, (more than the store-bought toys) etc., my mother would bring me to wakes and weddings so I got used to talking to adult people.  It was during those times that I started watching people’s behavior. My father always told us to respect people regardless of their background and he exposed us to the hard life of a farmer so that we would appreciate our opportunity to study and do something else with life. One summer he even let me and 2 brothers to stay with a tenant’s family to help plant corn. I enjoyed the experience but I knew it was not something I’d like to do for the rest of my life.

Grade school was in Brooke’s Point, high school was in another town. My mother let me and 2 other sisters to attend the Science High school in our province even if it meant staying in a dormitory. Academic load (our high school offers advance curriculum so instead of year-long subjects we had semestral courses. Many of those subjects were the same ones I took in UP) and travel expenses also meant going home 2-3 times per semester. Premed was in UP Los Banos, medical training at UERMMC and back to UP system again, UP Manila, for my Master in Public Health. If UERMMMC trained me to become a good clinician and to treat the patient holistically, UP Manila and my experience as a medical health officer of my home town taught me that being a good doctor is not only looking at individual patients but also looking at the family, community and environment factors that affect the patient’s health and well-being. I guess reading Senator Flavier’s books entitled Doctors to the Barrios when I was in high school helped me find my sweet spot in the health care system.

Sense of smell.  Parang manok sa palengke, amuyin naman natin kung paano napadpad si Doc Liezel sa Land of the Rising Sun at kung ano ang ginagawa niya dito ngayon.

Doctoral studies and a scholarship (Public Health Leadership Program at Tokyo Medical and Dental University supported by Mombusho scholarship) brought me to Japan. My bosses at the Health Policy Development and Planning Bureau think that it’s time to up the academic requirements for the DOH Central Office officers. At present, a master’s degree on Public Health or related field is a requirement. Medical officers are also taking 2 master’s degrees for promotion. But starting with me, they want the agency to support middle and upper managers to pursue PhD especially abroad.  

I think of Japan as the land, not of the rising sun, but the land of a sun that never sets because people are always working. I remember my first morning in Tokyo, I opened my windows overlooking the Ochanomizubashi and I saw people moving like automation, all wearing suits. They reminded me of ants working so hard to stockpile food for the winter. I still think that Japanese are hardworking people but I also know now that they spend time with their family and they also know how to have fun.

Sense of taste. Tikman natin kung paano maging isang Liezel Lagrada sa Tokyo.

I’ve been in Tokyo for 2.5 years and I have another 1 and half years to finish my degree. Aside from my own research at the university that focuses on providing TB services, I also work as a research assistant for another professor at Nihon Ikadaigaku. I helped him develop a training module for hospital managers, write a module on quality assurance for health services (both funded by JICA) and currently, we are doing a project for World Bank- we are studying the health service delivery system of 116 countries and trying to propose ways to improve the health status of people in poor countries. One time I went to UNICEF offices in New York by myself, feeling ko pakiramdam ng mga kausap ko, nautusan lang ako bumili ng suka at naligaw at napunta sa meeting ng mga world experts on child health.

But I think what puts my academic life in the right perspective is my growing faith and hope that all I’m doing now will eventually be for the benefit of the Philippines. Not only because I have to go back and return service to my home agency (Department of Health) but because while here in Tokyo, I got involved with Gawad Kalinga Japan (GKJ) as the GKJ team’s secretary. The underlying theme in my life’s choices would always be to work/contribute in my home province or in the Philippines. Working for GK therefore is consistent with my life’s choices.

Much of my free time is also spent with my church community (Couples for Christ) and getting involved in its activities. 

Sense of touch. Pakiramdaman naman at silipin natin ngayon ang laman ng isip at puso ni Liezel. Tinanong ko siya kung anu-ano ang gusto at ayaw niya sa bansang kinaroroonan. 

Mababaw akong tao so konti lang ang dislike ko sa buhay. Dislike ko lang na hindi ako marunong magsalita ng Nihonggo at pakiramdam ko ang daming nasayang na opportunities because of this handicap. I really love my experiences in Japan, because of my opportunities to grow as a Christian and to develop my skills as a health manager/ researcher. I also get to meet a lot of interesting people because of my work in GK Japan.
 
At siyempre, hindi rin siya nakaligtas sa tanong kong “What teacher/individual has had the greatest impact/impression/ influence on you, either in your present occupation or in your life in general?”

Through the years, a lot of people contributed to what I have become, both as an individual and as a doctor. From my parents to my teachers, from my friends, my mentors at my work to my patients, these people gave me lessons in life. But all the lessons I learned were encapsulated in my boss’ advice as I prepare to go to Japan. She said that people will seldom remember my name but they will remember my nationality so I should always behave in a way that will bring honor to my country. More importantly, she said, remember that you are a Christian in a non-Christian country. Let people know of your faith because of your deeds. (Gosh, nawindang ako. Muntik na akong di tumuloy!!) Muntik akong nakuba sa bigat ng bilin ng boss ko but the funny thing is, I always remember her words when I feel like submitting a mediocre work or doing something really bad.

And of course, ang tinawag niyang pang-Miss Universe na tanong – “If you were to create something related to what you do in Japan, or whatever that would portray your life/job in Japan or your view of the Filipinos' lives in Japan, what would it be like? What and who would be in it?”

I think that would be a GK Village. GK for me means transforming lives—from living in a slum environment to residing in a decent neighborhood, from having a wasted existence to living a productive life. Filipinos came to Japan searching for a better life. Students like me came to Japan to learn more and seek more opportunities in our field of expertise. Public health (my field of expertise) goes beyond treating individual patients but transforming the well-being or health status of a population through a healthy environment supported by appropriate health policies. A GK village therefore represents everything that I am and I do in Japan. One component of a functioning GK Village is Gawad Kalusugan, which promotes the health of the villagers by addressing the common illnesses through public health strategies.

Sense of hearing. Finally, pakinggan natin ang bilin at habilin ng ating Mukha.

I hope that we always remember na tayo ay dugong maharlika – both in faith and in heritage. Let other people see the joy in us because of our faith and let the world know of our heritage because we always use our talents and skills for the betterment of our people and our country. Tall order but we can do it one day at a time.

O diba – mukhang tama nga yata ang sinasabi nila na ang bawat isa sa atin ay bayani in his or her own right? Nasaan ka man, ano man ang ginagawa mo at sa anumang sector ka man nabibilang, dala mo ang bandila ng Pilipinas, kaya sige, kabayan… iwagayway mo ito.
Be proud to be a Filipino!   





January-February 2007 Issue

Bagong taon! Sabi nga: bagong buhay, bagong pag-asa, bagong simula. Maihahalintulad sa buhay ng ating bida sa isyung ito na pam-Bagong Taon. Kilalanin natin siya gamit ang limang senses natin sa ating mukha – paningin (sense of sight), pang-amoy (sense of smell), panlasa (sense of taste), pandinig (sense of hearing) at pandamdam (sense of touch). Gamitin natin ang lahat ng senses na ito sa pagpapakilala ng mga MUKHA NG PINOY sa Japan upang mas mauunawaan at makikilala natin sila ng lubusan. Sigurado akong magbibigay inspirasyon sa ating mga mambabasa ang bawat bagong pag-asang ngumingiti sa ating pambuena-manong Mukha ng taon –  si ELMER ATIENZAR.

Sense of sight. Una sa lahat, tingnan muna natin ang kanyang pinagmulan.

Mula sa Cagayan Province sa Ilocos Norte ang pamilyang pinagmulan ni Elmer, bunso sa anim na magkakapatid na dalawang babae at apat na lalaki. Labingwalong buwang gulang lamang si Elmer noon nang pumanaw ang kanyang ina, kaya siya man ang bunso sa pamilya, di kahalintulad ng pangkarani-wang bunso ay halos walang nag-asikaso sa batang si Elmer. Lumaki siyang madalas nanga-ngapit-bahay upang maglaro at para na rin mayroong makainan kung saan man abutin ng oras ng pagkain. Ginugol niya ang kanyang kabataan sa tabing-dagat kung saan siya madalas naliligo o nangingisda kasama ang ilan pang mga kapitbahay at mga pinsan.

Anupa’t limang taon lamang siya nang simulang mabulag ang kanyang ama kaya’t nagsimula na rin itong hindi na makapagtra-baho. Dahil hindi na matustusan ang pag-aaral at pang-araw-araw na buhay ng mag-anak, silang anim na magkakapatid ay pinag-hati-hatian ng kanilang mga tito at tita upang ampunin.  Napunta si Elmer sa tiyahin at tiyuhin na nagpaaral sa kanya hanggang unang baitang sa highschool. Pagkatapos ng graduation, tumulak si Elmer papuntang Maynila upang doon makipag-sapalaran. Sa loob ng apat na taon, tinustusan niya ang sarili sa pamumuhay sa lansangan - nagbebenta ng turon, sigarilyo at palamig.

Matapos ang apat na taong buhay-lansangan, lakas-loob na sumakay ng bus si Elmer patu-ngong Bicol upang magbakasa-kaling makitang muli ang isa sa mga kuya na sa huling pagsulat sampung taon na ang lumipas ay nagbalitang sa probinsiyang iyon siya napadpad sa pagkokopra. Tanging baon ang natatandaang pangalan ng lugar, ipinagtanong niya sa katabi sa bus ang kanyang kapatid. Anupa’t matapos ang sampung taon ay muling nasila-yan ni Elmer ang kanyang kuya. Sa Bicol na rin siya nanirahan, nagtrabahong helper ng truck sa logging at sa edad na labingwalo ay nakapagpatuloy ng second year higschool doon. Dahil marahil sa angking talino at likas na leadership ability, siya ang nahirang na school governor sa eskwelahan, nag-graduate siya na may “leadership medal” at siya rin ang topnotcher sa NCEE sa iskor na 98.

Kinabukasan matapos ang high school graduation, muling tumulak si Elmer patungong Maynila dala ang pangarap na makapagtapos ng kursong Mechanical Engineering sa Polytechnic University of the Philippines. Plano niya sana na mag-aral sa gabi habang nagta-trabaho sa construction sa araw ngunit dahil walang night classes ng Mechanical Engineering, napadpad sa pag-aaral ng Commerce major in Accounting ang ating bida.

Sense of smell.  Parang manok sa palengke, amuyin naman natin kung paano napad-pad si Manong Elmer sa Land of the Rising Sun at kung ano ang ginagawa niya dito ngayon.

Sa isang Japanese construction company na nakabase sa Kuwait pinadpad ng kapalaran si Elmer pagkatapos niya ng kolehiyo. Doon siya namalagi ng apat at kalahating taon sa trabahong plumbing and pipe fitting. Sa loob ng mga panahong iyon, naparangalan ang kanyang mabu-ting trabaho ng ilang promo-tions, hanggang sa bago matapos ang kontrata ay isa na siyang Assistant Foreman, kahit na siya ang pinakabata sa kumpanya. Hindi lamang promotions ang inani ni Elmer sa pagiging tapat at epektibo sa trabahong ito. Sapagkat biniyayaan din siya ng kumpanya na maging Trainee Leader ng grupo ng mga trainees na ipinadala sa Japan. Bago matapos ang isang taong termino, natanggap si Elmer bilang Ambassador’s driver sa isang embassy sa Tokyo kaya nagdesisyon na siyang tumigil sa bansang ito.

Alalaong baga, dahil hindi madali ang manirahan at mabuhay sa siyudad na ito, iba’t ibang klaseng trabaho na ang isinabay ng masi-pag nating Mukha sa kanyang pagmamaneho. Naroong maglu-to ng hamburger sa isang res-tawran, maglinis ng mga opisina o maging waiter sa mga diplo-mat parties. Binabalanse niya ito ng kanyang paglilingkod sa sim-bahan tuwing Linggo, ganun din  sa komunidad ng mga Pilipino sa Tokyo. Naging presidente siya ng FEGASSO (Filipino Ebisu Group Asso-ciation), isang grupo ng mga Pilipinong humikayat na gugulin ang weekends sa paglalaro ng bowling sa halip na sa masamang bisyo. Naging presidente din siya ng Philippine Assistance Group, isang asosasyon ng mga grupong Pilipino sa Tokyo. Kamakailan ay sinubukan na rin niyang pumasok sa larangan ng sining-entablado sa pamamagitan ng isang dula kasama ang Teatro Kanto.


Sense of taste. Labing-anim na taon na’ng tsuper ng amba-ssador si Elmer sa Tokyo. Tikman natin ang typical na araw sa buhay niya.

Bago pa lamang mag-ika-walo tuwing umaga mula Lunes hanggang Biyernes ay makikita na si Elmer sa tabi ng Ambassa-dor’s car na matiyagang naghi-hintay sa paglabas ng amo sa pintuan ng kanyang tahanan. Nalinis na niya ang kotse, napag-aralan na ang iskedyul at mapa ng mga pupuntahan sa magha-pon at handa na siyang maayos at ligtas na maihatid sa destinas-yon ang amo. Inihahatid niya ito sa kanyang opisina, mga pulong at iba pang aktibidades na tawag ng trabaho. Maliban sa kung mayroong functions o appoint-ments sa gabi, natatapos ang trabaho ni Elmer sa ganap na alas-singko. Pagdating ng gabi, paglilinis ng opisina ang pinagka-kaabalahan ni Elmer, at tuwing Sabado’t Linggo, trabaho naman sa simbahan o Filipino commu-nity. Mayroon pa siyang ibang volunteer works at accomplish-ments na hiniling niyang huwag ko na’ng banggitin sa artikulong ito. May taglay talagang kaba-baang-loob ang kuya natin eh.

Sense of touch. Pakiramdaman naman at silipin natin ngayon ang laman ng isip at puso ni Elmer. 
Puno siya ng pag-asa. Puno ng paniniwala sa buhay. Puno ng katatagan na marahil ay dala ng masalimuot na landas ng nakaraan. At dahil din dito ay puno ng pagtitiwala at pangarap na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak…mga bagay na tiyak na makakapagpaligaya ng kaluluwa ng kanyang ina at ng tumatanda na niyang ama.

Sense of hearing. Finally, pakinggan natin ang bilin at habilin ng ating Mukha.

“May kanya-kanya tayong katangian. Ang tingnan natin sa sarili ay ang ating mga kakayahan, huwag ang kahinaan. Sa ating mga kapwa Pilipino, tingnan natin ang kanilang magagandang katangian. At kung wala tayong maitutulong na lunas sa problema kung mayroon man, ay huwag na nating palakihin ito. Huwag nating ikahiya ang pagiging mababa sa ngayon dahil ang lahat ay may karapatang magsikap para umangat at mabago ang kinabukasan.”


Mukha ng pagpasok ng 2007. Bagong taon. Bagong buhay. Bagong pag-asa. Iyan ang binigyang-kulay ng ating Mukha sa pam-Bagong-Taong isyung ito ng Jeepney Press.

At bagama’t ikinalulungkot kong ibalita sa inyo na habang sinusulat ang artikulong ito ay nakaburol sa Pilipinas ang ama ni Kuya Elmer, buo din ako ng pag-asang sana’y maging inspirasyon ang kanyang buhay sa ating mga mambabasa. Iniaalay ko ang isyung ito ng Mukha sa mga magulang ng ating unang Mukha sa 2007. Kasama ng aming panalangin sa inyong kaluluwa, ay ang aming pasasalamat, Nanay at Tatay, sa pagluluwal at paghuhubog ng isang taong inspirasyon hindi lamang ng kanyang pamilya, kamag-anak at kaibigan, kundi ng komunidad ng mga Pilipino dito sa Japan, si Kuya ELMER ATIENZAR.






November-December 2006 issue

Mukha. Naipon na yata dito halos lahat ng senses natin – paningin (sense of sight), pang-amoy (sense of smell), panlasa (sense of taste), pandinig (sense of hearing) at pandamdam (sense of touch). Kung gagamitin natin ang lahat ng senses na ito sa pagpapakilala ng mga MUKHA NG PINOY sa Japan, marahil ay mas mauunawaan at makikilala natin sila ng lubusan. Halimbawa ay ang featured Mukha natin this issue –  si MARIA FARAH TROFEO-ISHIZAWA.

Sense of sight.  Una sa lahat, tingnan muna natin ang kanyang pinagmulan. Farah was born and raised in  Quezon City from a family “behind the scenes.”  Kilalang  documentarist / film maker-director  ang kanyang amang si Dik Trofeo, habang ang kanyang inang si Nita Rivas Trofeo ang namamahala ng kanilang production office, Cine Kei, formerly known as Cinema 1635, Inc.  Panganay si Farah sa apat na magkakapatid - two girls and two boys.  Ang kapatid na si Patricia works as a pre-school teacher at Gymboree,  habang ang dalawang kapatid na lalaki ay kapwa nasa movie world din. D-boy is a cinematographer and photographer, mainly for feature films. Ari is a sound engineer, location sound and post production, also for feature films.

“All my early education was at Victoria School Foundation, a private school in Quezon City... College was at Maryknoll College Foundation (take note, it was still Maryknoll when we graduated) majored in A.B. Communication Arts... where we majored in film and T.V. production.”

Sense of smell.   Amuyin naman natin kung ano ang ginagawa ni Farah sa Japan ngayon.  “I was in my second year in college when I first came to Japan as an exchange student for a one month-cultural exchange program between the Ateneo University and Sophia University.  The first time I set foot in Japan... in Narita I breathed the air... and I instantly felt at home... First impressions... back then, Japan was so clean, people were so disciplined, so well mannered... even in the trains...  and their being so "on time"....  amazed and impressed me.”  Kahit na marami nang nabago sa paglipas ng panahon sa Japan, gusto pa rin ni Farah na mamalagi dito. “Because we are free to be ourselves...to grow up and be independent.”

”Now, I work for a model-talent agency called Remix where I am a manager.  We cast talents for commercials, TV programs, movies... we take the models and talents to auditions, we also take them to the actual jobs... like photo or video shoots.”

“I do enjoy this job because it gives me a chance to meet many people, and if we are lucky we meet movie stars. Back in the Philippines, I also worked for the movies for a while.  In Japan, I also do movie and film coordination.... if there are productions that need to shoot in the Philippines I take them there... and double up as production coordinator and interpreter... and vice versa... one movie,  I worked with my brother
D-boy was Star Cinema's "Ngayon Nandito Ka" - the movie with Kristine Hermosa and Echo (Jerico Rosales).  If you watch the movie... you will see my back... ha ha ha...”

Sense of taste.  Tikman natin ang typical day sa buhay ni Farah.  “Everyday life, on weekdays, I go to work from 10 in the morning to about 7 in the evening. Sometimes, we work even later because of the schedules.  Basically, our life is so simple, work and home. When I am home, my husband and I just relax,  that would mean,  go play billiards, or stay cozy at home, cook in or go have dinner outside.. Weekends, it's basically the same... Going around Shinjuku or just biking around.  And of course, we try to go to mass on Sundays or Saturday evenings. Relaxation also is cleaning and doing the laundry.”

Sense of touch.  Pakiramdaman naman at silipin natin ngayon ang laman ng isip at puso ni Farah.  “Seriously, I plan to live here in Japan until "it's time..." -- meaning, it is  time to go back to the Philippines and retire... . I love Japan... why? Mainly because my husband is Japanese…What I dislike about Japan is that everything is so small.... I mean space... I wish I had more space... space to put my clothes so they do not wrinkle... space to put my shoes... space for more books on the shelves... space to move around more freely... Crowded trains... no, ooohhh ...”
Tinanong ko si Farah kung sinong individual ang may pinakamalaking impluwensiya sa buhay niya. “The people who influenced me the greatest -
my father, my mother and
my husband."

“ I am proud to say, that I have the best father-daughter relationship. We are so close with papa and we talk about almost anything. He did not tell me to work in the film industry... but just by living under the same roof...my two brothers and I naturally moved to that direction...film business.” 

“My mother -- we have the same character... strong, we like to lead and "teach" others... it is like being a manager... we love guiding or directing people.”

“My husband -- he is the gentlest soul I have ever met... he is my soul-mate, he guides me and always tells me to be a good Christian.  He is a convert who became a Christian 10 years ago. Nag-meet kami sa isang sports club, magka-klase kami noon sa aerobics class. We got married and our baby, Marie Kei was born on December 12th,  sad to say she was very sick.  My husband was baptized on the 23rd,  and Kei went to heaven that Christmas Eve.  We believe that was her mission. ”

Sense of hearing.  Finally, pakinggan natin ang bilin at habilin ng ating Mukha.
“To all the readers - instead of a message- please join me in my prayers…

I pray that all Filipinos, at home and overseas, be happy and successful. I pray that our leaders may realize the importance of the word "service for others."

I pray that the roads, the transportation system, infrastructure, the postal system, all the major arteries in the society be improved... for once these are made better...everything else will follow… more jobs … 
a better economy.

I pray that tourism in our country will grow... to be able to give more jobs to Filipinos... but this can only be done... if we prove to the world that our country is a safe place to be...

I pray that we remove the "crab mentality" from our system... why do Filipinos love to pull down other Filipinos who are climbing up the ladder of success?

I pray that the Filipinos should have more foresight, think long term... and not the "make profit now attitude" what I mean is that,  we should establish a good working relationship and work well with people and companies...
 
I pray that our country will have more educational programs.

I pray for a good leader in our country - someone who will help give jobs to everyone in our country, so that one day, all Filipinos can work and stay in our own land…
 
Yes, pray for our country and our leaders…

I know that most of these are too idealistic… I know I cannot change the world…but I know that if I start from myself, everything else will follow.”



SEPTEMBER-OCTOBER ISSUE 2006

DEO MANALO

Mukha. Naipon na yata dito halos lahat ng senses natin – paningin (sense of sight), pang-amoy (sense of smell), panlasa (sense of taste), pandinig (sense of hearing) at pandamdam (sense of touch). Kung gagamitin natin ang lahat ng senses na ito sa pagpapakilala ng mga MUKHA NG PINOY sa Japan, marahil ay mas mauunawaan at makikilala natin sila ng lubusan. Simulan natin sa featured Mukha natin this issue. Estudyante, trabahador, ama, artist, community volunteer, Pilipino – si DEO LEO MANALO.

Sense of sight. Una sa lahat, tingnan muna natin ang kanyang pinagmulan. Mula sa  San Mateo, Isabela ang ating Mukha this issue.  Isabela ang largest producer of rice grain sa ating bansa kaya lumaki si Deo sa kanilang maliit na bukid – may ricefield, tilapia pond, mga puno ng mangga at bahay kubo. Sa likuran ng bahay nila, nagtayo ang batang Deo ng sarili niyang tree house sa isang puno ng sampalok. Ito ang hiding place niya noon – dito, siya ang boss kasama ang kanyang tirador. Dito, tahimik niyang pinanood ang mga manok, bibe at gansang alaga nila. At dito, paminsan-minsan ay iniimbitahan niya ang ilang mga kaibigan upang magmeryenda.

Bunso sa walong magkakapatid na 3 lalaki at 5 babae, maagang tinuruan si Deo ng sariling ama at kuya ng tungkol sa photography. Kasabay ang self-help books at ilang seminars sa Univeristy of Santo Tomas tungkol sa larangang ito, hindi nakapagtataka na naging photo editor siya ng “Varsitarian,” ang school paper ng UST, noong siya ay nag-aaral doon ng kolehiyo. Naging masaya at kapaki-pakinabang kay Deo ang kaalaman sa potograpiya, sapagkat kapalit ng pagiging photographer niya sa nasabing payahagan ay ang kanyang scholarship kaya halos libre na ang tuition niya, may kaunting allowance pa. Enjoy naman siyempre si Deo sa trabahong ito kasi bilang photographer, nasa harap siya ng concert stage, pwedeng magpunta sa backstage, sa bench ng players, at nakakilala siya ng lahat ng klaseng tao.  Nakasama rin siya sa relief operation ng UST Red Cross during the time of Pinatubo, at sa marami pang events. Gumawa pa siya ng photo essays, portraits and news sa loob at labas ng UST.

 
Sense of smell.  Parang manok sa palengke, amuyin naman natin kung ano ang ginagawa ni Deo sa Japan ngayon. Una siyang napadpad sa Land of the Rising Sun habang nagtatrabaho bilang transport planner sa Department of Transportation and Communications (DOTC). Nakakuha siya ng scholarship para mag-aral ng Logistics Engineering through Japan International Cooperation Agency (JICA).  Siyempre, dahil bilang pagpapatuloy ito ng kanyang kursong B.S. Civil Engineering at M.A. in Urban and Regional Planning Major in Transportation sa UST, hindi pinalampas ni Deo ang pagkakataon, kahit na ang linya ng engineering ay ibang-iba sa larangan ng buong pamilya niyang karamihan ay nasa medical field. Duktor kasi ang kanyang yumaong ama at pharmacist naman ang kanyang 77-taong gulang na ina. Medical Technologist din ang kanyang asawang nagbigay sa kanya ng dalawang anak na babae na sa ngayon ay pito at tatlong taong gulang.


Sense of taste. Tikman natin ang typical na araw sa buhay ni Deo. Bagama’t isa siyang Civil Engineer by profession, sa ngayon ay isa siyang Urban and Regional Planner on Transportation habang ipinagpapatuloy ang kanyang scholarship. Tahimik ngunit kinagigiliwan siya ng kanyang mga kasamahan sa community lalo na ng mga kapwa niya estudiyante na ang tawag pa nga kanya ay “Papa Deo”.  Mula Lunes hanggang Biyernes, dorm at school laboratory lamang ang pinupuntahan ng ating featured Mukha. Sa gabi ay madalas na nagjo-jogging siya para nga naman mapangalagaan ang kalusugan. Bukod sa trabaho at school, involved din si Papa Deo sa Filipino community dito sa Japan. Sa katunayan, siya ang kasalukuyang presidente ng Association of Filipino Students in Japan (AFSJ), sekretarya ng Science and Technology Advisory Council - Japan (STAC-J) at miyembro ng Teatro Kanto Organization (TKO).

Madalas nating makikita si Deo na may hawak na camera para patuloy na hasain ang sariling kaalaman sa potograpiya.  “Photography is really a hobby for me. I don’t plan to have a career on it but I just like to immortalize people and things. Immortalize kasi di na mauulit ang naganap na.”

Sense of touch. Pakiramdaman naman at silipin natin ngayon ang laman ng isip at puso ni Papa Deo.  Hiningan ko siya ng ilan sa mga taong may pinakamalalaking impluwensiya sa kanya bilang student, photographer or individual. “My sensei (teacher) taught me to make things simple and clear. My former boss taught me about Complete Staff Work, Pareto Principle (80-20) or looking at things by 80/20. 80% of what we do is not important, but 20% is. Marami syang application sa buhay including sa business. Also, learn to have a teacher every time and train an apprentice who will replace you. But my daugher taught me to be like a child and live happily.” Bilang estudyante, kung gagawa kaya ng isang thesis si Papa Deo, ano kaya ang magiging title nito? I would like find the answer to "Why 'bayanihan' of the Philippine community works in Tokyo?".

Sense of hearing. Finally, pakinggan natin ang bilin at habilin ng ating Mukha. Bagama’t nami-miss ni Deo sa Pilipinas ang family niya, kumain ng mirienda, makapanood ng Tagalog o English movie or TV show, makapagbasa ng dyaryo or magazine, makipagkwentuhan kung saan-saan, narito ang masasabi ni Papa Deo: “I believe that home is where your heart is. Call Japan our home when you find yourself here. We don’t need to feel guilty about being 'away' from the Philippines but let us not forget the less fortunate ones, those who are in need in our country."

Mukha mula sa Rehiyon ng mga Ilokano. Deo Leo Manalo.
Estudyante, trabahador, ama, artist, community volunteer, inhinyero.
Pilipino – ipagmalaki sa mundo!


July-August 2006 Issue
Once Upon A Dream

Panahon na naman ng tag-init sa Japan kaya bukod sa summer sales
na walang-humpay na bumubulaga sa atin sa mga kalye ng Tokyo,
pangkaraniwan na namang makikita sa paligid ang iba’t-ibang
palamuting nag-eengganyong namnamin ang napakaikling panahong
ito – naggagandahang fireworks sa may ilog, naglalakihang sunflowers
sa bawat sulok, mga bata at matatandang naglalaro ng buhangin sa beach,
taiko drums sa gitna ng nagsasayawang pangkaraniwang tao sa
Bon Odori, pagsusulat ng pangarap sa isang papel para saTanabata
at mga Haponesang kaakit-akit sa suot na yukata. Ilan lamang sa
mga bagay na nakapagpaibig sa ating Mukha sa bansang Japan mula
pa lamang sa unang tapak niya sa lupa nito labing-isang tag-araw na
ang nakakaraan - ang unang tag-araw na siyang simula ng katuparan
ng kanyang mga pangarap.


“A frog in the well knows not the ocean”
Ito ang salawikaing Hapon na nagtulak kay ELINOR TAGUNICAR para
matupad ang pangarap niyang namnamin ang lawak ng mundo noong
siya ay isang estudyante pa lamang na nag-ma-major sa Japanese Studies
sa kursong International Studies sa De La Salle University. Ginamit niya
ang salawikaing ito sa kanyang ginawang sanaysay na naging ugat ng
pagkakapili sa kanya para maging scholar sa isang intercultural program
ng American Field Service, isang international organization na nagbibigay
ng pagkakataon sa mga kabataang manirahan sa labas ng sariling bansa
upang mapalago at mapalawak ang karanasan at kaalaman tungkol sa
ibang kultura at paraan ng pamumuhay. Taga-Yokohama ang butihing
host family ni Eli noon na siyang nagbigay sa kanya ng dalawa at kalahating
buwan ng napakagandang karanasan sa kultura at sining ng Japan. 
Sa loob ng panahong ito, nag-aral siya sa St. Joseph’s Junior and
Senior High School bilang isang pangkaraniwang senior high school
student. Dito ay nabigyan siya ng pagkakataong makapanood ng
Kabuki, makapag-aral ng Japanese, ikebana, tea ceremony, at calligraphy. 
Dahil rin sa kabaitan ng kanyang host family, nakarating si Eli sa Disneyland,
Tokyo Tower, Imperial Palace, Kamakura, Mt. Fuji, Kiyosato, at iba’t-ibang 
mga museums, at talagang pinaranas sa kanya ang tunay na Japan.

“Living your dreams can only begin by placing one foot in front
of the other.”
Ang unang karanasan ni Eli sa Japan ang nakapag-udyok pa sa kanya
na palalimin ang kaalaman sa nasabing bansa. Kaya sa pagbalik niya sa
Maynila ay nag-aplay na naman siya ng scholarship sa Philippine Institute
of Japanese Language and Culture (PIJLC) at kumuha ng sampung
buwang intensive studies ng Japanese, kasabay ang paggawa ng thesis
para tuluyan nang matapos ang kurso sa La Salle. Bago sumapit ang
graduation sa PIJLC, lumahok si Eli sa isang Japanese speech contest
at nagwagi ng ikalawang gantimpala na siyang naging dahilan upang
makapunta na naman siya sa Japan para samahan ang ilang mga
bata sa isang linggong pagbisita sa Miyagi Prefecture.

Hindi nagtagal, nakapasa naman si Eli sa isa na namang scholarship
sa Waseda University para sa isang research program sa Economics
Department na naging dahilan naman ng pamimirmihan niya sa Tokyo
ng isa at kalahating taon.

Pero hindi dito nagtatapos ang buhay-Japan ni Eli sapagkat taong 2001
nang tawagan siya ng WINS Tokyo upang aluking bumalik dito upang
magtrabaho sa WINS Filipino Channel. Dito na niya ginugol ang nakakaraang
anim na taon kung saan “everyday is different” dahil sa lawak ng
kanyang responsibilidad – pangangasiwa sa pang-araw-araw na operasyon
ng kumpanya, pakikipag-ugnayan sa Filipino community at embahada para
sa iba’t-ibang proyekto, paggawa ng patalastas para sa telebisyon, pagsasalin
ng wikang Hapon/Tagalog/English at iba pang responsibilidad na kadalasan
ay matatawag na “mission impossible.”

"Give a man a fish and you feed him for a day. Teach a man to fish and you
feed him for a lifetime."
 Kahanga-hanga ang sipag ni Eli sa pag-aaral. Patunay ang iba’t-ibang
scholarships na napasahan at natapos niyang lahat sa kabila ng pagkakasabay- sabay ng mga ito. Marahil ay bunga ito ng pinakamahalagang aral na ipinamulat
sa kanya ng ama – ang kahalagahan ng edukasyon at kahalagang matuto
ng bagong bagay. Sa katunayan, natatandaan ni Eli na tuwing bakasyon
sa eskuwela, pinag-aral silang tatlong magkakapatid ng kung
anu-ano, mapa-swimming, Taekwondo, aerobics, cooking, piano at iba pa. 
At para sa batang Eli, mahalaga na sa kahit anong gawin niya ay maibigay
niya ang lahat ng kanyang makakaya, maging ito ay Jackstone, Pick-up-
sticks, habulan, taguan o ang paborito niyang laro noong bata – ang gumawa
ng mga damit para sa kanyang Barbie doll, at paglaruan ang mga basyong
bote ng pabango ng kanyang ina. 

Sa kabila ng pagpanaw ng ama ilang taon na ang nakakaraan, ramdam pa
rin ni Eli ang presensiya nito maging sa kasalukuyan.  Ito ay dahil sa
ipinamulat niyang pagpapahalaga sa edukasyon upang patuloy na maarok
ang pangarap – ilang tag-araw man ang abutin ng pagsusumikap.


Mensahe mula sa ating dream believer…
“May kanya-kanya tayong dahilan kung bakit tayo nandito sa bansang Hapon. 
Lagi kong sinasabi na nagpunta ako dito sa Japan hindi dahil ayoko ang Pilipinas
at gusto kong umalis sa bansa natin.  Bagkus, nandito ako sa Japan dahil gusto
ko talaga ang bansang ito.  Sa ilang taon rin ng pakikisalamuha ko sa mga
Hapon, mula sa aking host family, mga guro at mga naging katrabaho,
marami akong hinahangaang katangian at kaugalian ng mga Hapon na
sinusubukan kong tularan sa sarili kong pamumuhay.  Kahit ano pa man
ang dahilan ng pamamalagi natin sa Japan, sana lang sikapin din nating
matuto ng kanilang lengguwahe at maging bukas sa pag-unawa ng pagkakaiba
ng ating mga kultura dahil sayang, sayang ang pagkakataong meron
kang matutunang ibang paraan ng pamumuhay at paggawa ng mga
bagay-bagay bukod sa nakagisnan mo.  At sa bawat pagyakap mo ng
kanilang kultura, siguradong may bagong mundong magbubukas para sa
iyo.”

May-June 2006 Issue

Isang Tinig Mula Sa
Paraiso Ng Mga Pagsanjeno

“Laguna, na’ng ito ay marating ko, para bang ako’y nagbago,
kaka-ibang damdamin ang iisipin mo…”, ang pagpapatotoo ni
Sampaguita sa kagan-dahang taglay ng probinsya ng ating pambansang
bayaning si Rizal. Parehong probinsya kung saan nagmula ang
ating Mukha na makikitaan ng ligayang naisa-awit ng sumikat na Pinoy
rock singer at pagiging makabayan na marahil ay namana sa mismong
nagsabing “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan.”  Tulad ng Laguna na
sinasabing mala-paraisong larawan ng tunay na kaligayahan, hayaang
natin ang mga sarili nating ngitian ng tunay na tubong Pagsanjan, si Erwin
Caancan Piamonte.

Batang Paraiso
Sa paraiso ng Pagsanjan, Laguna na nabuo hindi lamang ang kabataan
ni Erwin, kundi pati na rin ang nagbuo sa kanyang pagkatao.  Dito na
kasi sabay na lumaki ang kanyang mga magulang na magkaklase
mula elementarya hanggang kolehiyo. Pangalawa si Erwin sa tatlong
magkakapatid na puro lalaki na bagama’t lumaking may kasama sa
bahay ay trained na trained ng mga magulang sa lahat ng gawaing
bahay mula sa pagliligpit ng hinigaan hanggang sa pagluluto at
pamamalengke. Lumaki siyang malapit sa magulang  lalo na sa Mommy
niya na napadpad naman sa Japan para magturo sa isang international
school. Malungkot sa loob ng nagbibinata na kailangang umalis ang ina,
kaya’t  nang makapagtapos siya ng highschool, wala na sana siyang
planong mag-college. Gusto na sana niyang sumunod na lang sa
Land of the Rising Sun para makasama si Mommy.  Besides, hindi
tustusang naniniwala noon sa value ng education ang binatilyong
Erwin kasi ang paniniwala niya, maraming naging matagumpay na
hindi nakapagtapos. Siyempre naman, kontra dito ang ama at ang
gurong ina kaya hindi siye pwedeng lumabas ng bansa habang hindi
nakakatapos ng college. Kaya bagama’t nakapagtapos na siya ng
Associate in Computer Science ay pumasok pa rin siya sa isang 4-year
degree course. Isang araw, sumakay na lang siya ng jeep, hanggang sa
napadpad sa Philcoa at nakarating ng University of the Philippines na
walang ka plano-plano, at dito ay nag-aplay at nakatapos ng kursong
Public Administration.

Pabitin-biting mga pangarap...
Sa wakas! Nakatapos din ng college si Erwin at naniwala na rin sa mga
magulang na mahalaga ang edukasyon. Makakapunta na rin sana siya sa
Japan para makapiling ang pamilya pero biglang nagkagulo dahil sa 9-11
at biglang nagkahigpitan sa pagbibigay ng visa kaya kinailangan niyang
maghintay pa. Habang naghihintay ng pagkakataon, na-inlove pero kailangan
din niyang humiwalay dito nang tumungo sa lupa ng Japan.

Anupa’t matapos ang pagpasok sa karayom, nakarating na rin siya dito
at dito bumuo ng mga pangarap.  Mga pangarap at pag-asang kasama
ang hindi pagtatagal sa Japan para bumalik agad at maglingkod sa
Pagsanjan. “Makapag-ipon lang ng puhunan at makapagsimula ng buhay,
okay na ako.  Pero dahil sa tourist visa ako... wala akong naging trabaho...
for 3 months na nandito ako feeling ko 3 years na binibilang ko ang bawat
oras!”

Bagama’t nahirapan, nag-enjoy naman daw si Erwin sa tatlong buwang
iyon dahil sa chance na makasamang muli ang ina at maka-bonding muli.
Pero kailangan pa rin niyang umalis ng Japan, empty handed, ika nga.
Mabuti na lamang at nakabalik siyang muli for another three month-visa at
nakakita dito ng working visa sponsor.  Pero kelangan niyang umuwi ulit sa
Pinas pero may ticket at ready to go na ulit, biglang nagsarado ang
kumpanyang nag-i-sponsor na sana. Kaya pagdating sa Narita airport,
na-hold siya ng isang oras bago tuluyang makapasok sa Japan - may working
visa pero walang work. Kaya pinasok niya kahit ang trabahong
panggabi - nagluluto, nagde-deliver ng pagkain sa mga Filipino restaurant
sa gabi at telemarketing sa araw. Hindi nagtagal, tinanggap na rin niya
na hindi talaga siya para dito sa Japan pero humirit pa siya ng isang dasal...
one last chance...at sabi nga, “ask you shall receive” at sa tulong na rin
ng isang kababayan, hanggang ngayon ay engineer  pa rin si Erwin sa
Sanko Semiconductor Co, Ltd., nag-iisang tagapagwagayway ng bandera
ng Pilipinas.

Katuparan o Kabiguan?
“Noong elementary ako... required magwalis sa palibot ng classroom namin...
eh maraming puno... so ang daming naglalaglagan na dahon... naiinis ako...
sabi ko di bale sana kung snow yun... gustong-gusto kong makaranas
ng bumabagsak ng snow!” 

December 2003 nang matupad ang simpleng pangarap na ito...pero katuparan
nga bang masasabi? Hindi kasi siya nakauwi para sa Pasko kasi naghahanap
siya ng trabaho. Kaya first Christmas niyang wala sa Pinas...sa katahimikan
ng paligid noong Christmas eve, “naisipan kong maglakad-lakad sa malapit
na park sa tinitirhan ko...di ko namalayan na nakatulog na pala ako...nagising
ako 4 am... nag-i-snow...first time kong na-experience ‘yun noon... naalala
kong noong hiniling ko nong bata ako pero sa halip na matuwa, umiyak ako
ng umiyak  tapos nagdasal ako na kung pwede iipunin ko lahat ng snow
kapalit lang ang isang araw na makasama ko ang pamilya ko sa Pinas.
I just can't imagine my life here kung hindi ko sila kasama.”

Lingong-likod sa paraisong pinagmulan
Tinanong ko si Erwin kung paano niya ikukumpara ang buhay niya sa Pilipinas
sa buhay niya sa Japan. “Una siguro yung pag labas-labas,  sobrang limitado
dito kumpara kung nasa Pinas ako ngayon. Kapag nasa ibang bansa ka kasi,
hindi ka pwedeng magbuhay-hari. Kailangan mong matutong kumilos
mag-isa. Siguro kung wala akong alam sa bahay, mamumulubi ako lalo
dahil puro sushi bar, obento at McDo  malamang ang kakainin ko. Pero
since I know how to cook, wala akong takot... at survivor ako.... I always
consider myself na flexible – kaya kong mabuhay sa syudad at makisalamuha
sa matataas na tao... at kaya ko ring mag-survive sa gubat at bungang
kahoy lang ang kakainin.”
 
Patuloy na nagbalik-tanaw si Erwin…“Four years since the first time na
umapak ako sa lupa ng bansang Hapon, nandoon pa rin ang lungkot pero
natuto na rin akong harapin ang buhay. Maraming bagay akong natutunan dito,
sa pamilya ko, mga kaibigan, sa pakikipagkapwa-tao.”


At pag-abot ng tanaw sa hinaharap...
Habang nasa gitna na pagse-senti ang inakala kong happy-go-lucky na
talibatang kinakapanayam ko, sinubukan kong silipin ang nakikinita niya
sa hinaharap.

JP:  Since you're single pa, nakikinikinita mo bang magiging kapareho ng
present family mo ang magiging sarili mong pamilya?
EP: “I hope so. Wala akong pinagsisihan sa mga ginawa ko noong bata.
Kasi naging mabuti naman akong anak - masunurin kahit minsan eh
napapalo rin. I always admire my parents. Hanggang ngayon yung
sweetness nila na parang nagliligawan pa rin. Minsan naiisip ko na siguro
kaya single pa rin ako, kasi wala pa yung girl na magiging katulad
ng Mom ko. Pero  darating din isang araw yung itinadhana para sa
akin ni Big Boss.”

JP:  Ano sa ngayon ang plano mo sa buhay?
EP: “Sa ngayon, gusto ko na lang munang magtrabaho at mas makilala
pa ang sarili ko. In His time, plano ko to still serve my kababayang
Pagsanjenos. But I want to settle down first before ako pumasok sa
political arena.  Yung ma-establish ko muna ang sarili ko, my family
and my own "future family.”

Babalik ka rin…
Nakakatuwang isipin na mahigit sa isang siglo matapos ang kamatayan
ni Rizal, buo pa rin ang katotohanan ng kanyang mga salita tungkol sa
kabataan. 145 years old na sana siya paglabas ng May-June issue ng
Jeepney Press, ano kaya ang naiisip niya? Marahil ay proud din siya
sa nakaka-inspire na batang Pagsanjeno.

EP:  “Masakit sa akin pag nakakarinig ako ng mga comment na kaya
daw umaalis ang mga Pilipino ay dahil wala na daw silang natitirang
pag-asa sa Pilipinas kaya mas minararapat na lang nilang lumisan.
On the contrary, I personally believe na kaya kami umaalis sa bansa
dahil naniniwala kami na may pag-asa pa... na kailangan lang
lumisan pansamantala upang mas matuto… maging establisado...
ipakilala at itaas ang dangal ng ating lahi... at sa paglaon bumalik
sa pugad na pinagmulan, ibahagi ang natutunan, at tumulong sa
mga kababayan tungo sa sama-samang pag-unlad. Mawawala ako
sa atin ng ilang buwan o ilang taon pero kailanman ay hindi mawawala
ang bansang Pilipinas lalo na ang bayan ng Pagsanjan sa aking puso.”

Mabuhay si Erwin Caancan Piamonte – ang future mayor ng Pagsanjan!
Mabuhay ang mga OFW na hindi nawawalan ng pag-asa sa sariling
bayan at naniniwalang magpakalayo-layo man sila ng pangingibang-bansa,
sariling paraisong sinilangan pa rin ang uuwian! At mabuhay ang mga tulad
ni Erwin na malayo man sa ngayon sa sariling bayan ay patuloy na
kumakanta ng  “Laguna, na’ng ito ay marating ko…para bang ako’y
nagbago…..”

March-April 2006 Issue



Le Mionne de la Paz: One Miracle of Peace…and more!

Le Mionne. Pangalang pangalan pa lang, unique na!  Kung hihimayin natin,
ang Le daw ay galing sa pangalan ng tatay niyang Leonardo who was
named after Leonardo da Vinci himself; ang Mi ay mula naman sa inang
si Milagros; at dahil hindi na niya matandaan kung saan nakuha ng mga
magulang ang onne, ako na lang ang magbibigay-kahulugan (hehehe)…
siguro ito ay alternative spelling ng one, as in bilang isa, numero uno,
ichi ban, number one. Kaya sa aking personal interpretation ng di
pangkaraniwang pangalang ito, ang meanings behind the name could
be “The Miraculous One”, “Isang Milagro”, o pwede rin namang
“My Only One” or “The One and Only”. At para sa mahilig sa meryenda
tulad ko, oks din ang “Lemon”, “Lemonada” at “Pandelimon”! O diba?
Pangalan pa lang, versatile na! Idagdag pa ang apelyidong de la Paz
na ang ibig sabihin ay “of the peace”, sigura-dong kayo rin ay mag-e-enjoy
sa pag-jumble at pag-interpret ng kanyang o-namae anupa’t pwede
tayong magpa-contest ng tipong “What’s in the Name?” o “Name KNB?”! 
And sure enough, this Mukha, Le Mionne de la Paz, is true to her name.
Paano ko nasabi? Read on…
Ang puno ng milagro
Tubong Noveleta, Cavite si Le Mionne. Anak ng tinaguriang “Dolphy” sa
bayan nila dahil sa pagka-good-looking at dami ng chicks kaya marami
silang magkakapatid.  Panganay siya sa apat (3 girls, 1 boy) ng family ni
“Dolphy of Cavite” kay Mommy Milagros. “Rewarding” naman daw ang
magmula sa napakalaking pamilya dahil lahat ng magkakapatid ay
nakatapos at successful in their own ways.

“Actually, Grandparents sa father side namin ang nagpalaki sa amin
with our other brothers and sisters. Sikat sila sa aming hometown as
Tatay Luis at Nanay Uya de la Paz. Si Nanay kasi, bukod sa magaling
magluto, ay member ng Kudyapi at magaling umawit. Si Tatay naman
ay laging Presidente ng anumang association sa amin sa Cavite at
magaling na tagapayo kaya ‘yung bahay namin laging maraming
bisita”.  

Aba! Sa madaling salita pala, ang puno ng milagro ng ating Mukha
ay pinagsama-samang singing chef (lola), hardworking leader (lolo),
at artist (pinagmulan ng pangalan ng tatay). Bonggacious ha!
It runs in the blood…
Sa maniwala kayo’t sa hindi, as young as 9 years old ay nakakitaan
na ng dugong Leonardo da Vinci si Le Mionne ng kanyang lolo na
nagbigay sa kanya ng book about anatomy of horses. Iyon ang
simula ng pagdevelop ng drawings ni Le Mionne, at nang nanalo
sa poster and slogan contest sa school, tuluy-tuloy ang ginawa
niyang pagdo-drawing sa high school as an occasional artist ng
Filipino subject bulletin board. Lahat ng ito while excelling both
academically and in extra-curricular activities like being a member
of Glee Club and later awarded as Best Soprano of the Year.
In college sa UST naman, while being a soprano member ng
UST Singers (UST Action Singers pa noon), active din ang ating
singer sa pagsali sa competitions. “Pero self-supporting student
ako noon kaya nagpo-portrait at nagbebenta ako ng paintings
ko para may additional income ako. So, from UST derecho na
ako sa work then, pag-uwi sa bahay and mostly weekends nagagawa
ko ang plates at ibang paintings. Tough. Pero I had to pursue my
studies,” pagmumuni-muni ng ating bida.  Ang circle of friends ni
Le Mionne ay puro magagaling sa arts like daughter of known
sculptor/painter sa atin na si Fred Baldemor. Kapag nakikita niyang
magaling at maganda ang gawa ng mga kaibigan, nacha-challenge
siya, “Dapat ganoon din ako. hahaha!”
One and only indeed!
After graduation bearing an Award of Excellence, anupa’t napadpad
na nga ang ating One and Only sa Japan nong 1994. Na-introduce
sa Japan International Artists' Club composed of Japanese, Europeans
and of other nationalities, at napasali ang painting niya sa exhibit sa
Metropolitan Museum sa Tokyo. Kaya si Le Mionne ang the first and
only Filipino member nila. “Proud ako noon kasi sabi ko sa sarili ko
dala ko ang bandera ng Pilipinas. ha ha ha,” patuloy niyang pagbabalik-
tanaw.

Tinanong ko siya kung anong favorite medium niya as an artist, at ang
sagot?  “When it comes to painting, hmm...lahat. hahahah! Kasundo ko
naman ang lahat ng mediums. I believe being a real artist, kahit anong
medium dapat ay kaya mong hawakan. Nag-iiba lang ang ginagamit na
mediums kapag nag-iiba ang mood as well as feeling to use na medium
sa artwork. But my favorite subjects are human figures and nature.”
 
“Sa photography, there are some experiences of shooting various
subjects but nag-e-experiment din ako. Like the last time na nag-gather
kaming magkakapatid sa hotel room ng mother namin, I saw a light
coming from the window. An idea came into my mind--subject of mother
and child and I wondered if I would be able to catch the ambience
imagined in my mind dahil the only available camera was disposable. 
So, I grabbed the camera and made my sister and her 2-year-old child
kiss, against the light ang shot and it turned out to be very beautiful.
Silhouette yung mother and child while yung background ay light rays
coming in from the window.”
 
Recently lang, last December of 2005, sumali naman si Le Mionne sa
International Photography Competition. Ang entry niya ay isang shot
ng sariling kamay na kinunan lang niya gamit ang cell phone. “Bagong
gising kasi ako noon and nag-iinat pa at pagbangon ko, na-notice  ko
yung position ng kamay ko na very dramatic maganda pa ang ilaw.
Since nasa tabi ko lang ang cell phone ko, I took the shot. Then, among
the 8,523 entries, napili iyong aking shot and na-publish sa book nila sa
Canada among the 500 na napili and I was awarded a plaque.”
Hindi lang pang-meryenda, pang-sports pa!

Bukod sa pagsusulat pa rin ng tula, isa sa ilan pang hidden talents ni
Le Mionne, what keeps her busy ay walang katapusang new studies
para sa paintings, pagpo-portrait pa rin at sa katunayan ay naghahanda
siya para sa isang international painting competition.
Pero hindi lang siya puro painting.  Other activities include bicycling
with her husband as exercise – isipin niyo na lang ang 11Km…one way
pa lang yun ha! “Hobbies are net-surfing, cooking, drawing and reading
books and singing. Sometimes isinasama ako ng asawa ko sa driving
range. Pero no effect. hahaha,” libang na libang na pagku-kwento ni
Le Mionne.  Hindi lang yan ha! “Recently, nagluluto kami ng kakanin
to earn extra aside from my husband’s job and my portraits/paintings.”

One miracle of peace, she is…
Alam nyo ba na sa kabila ng success ng ating Da Vinci this issue,
hindi niya nalilimutan ang relihiyosong pagpapalaki sa kanilang
magkakapatid nina Tatay Luis at Nanay Uya? In fact, eto ang
message niya sa readers ng Jeepney Press: 

“Trust in the Lord thy God and He will direct your path. For God
has purpose to each one of us to fulfill if we will only submit ourselves
and give our hearts to Him. He never fails to give what is best for us.”

“And when it comes to friendship especially in this foreign land,
"Friendship is a sweet responsibility, never an opportunity--KG"

“These are the simple ingredients which will keep us in good faith
and good paths. Kaya naman kahit paano habang kumikita ay
nananatili ang mga cliyente upang maging kaibigan.”
 
“Sa inyo mga kababayan, kung gusto ninyo at ng inyong mga anak
magpa-tutorial sa arts or magpa-portrait at magrequest ng paintings,
nandito lamang po ang inyong lingkod.”

Le Mionne de la Paz – indeed a name of a kind…one miracle…
lemonada…at iba pa!



January-February 2006 Issue


Marichu Hatakeyama: Ugat ng Ligaya
Bago na naman ang taon at siyempre, lalo na sa mga unang araw ng January, dagdag na pagbati natin sa mga kaibigan ang “Happy New Year” na nagsasabing hinahangad natin ang kanilang kaligayahan sa buong taon na kasisimula lamang.   Aaah…ligaya!  Ano nga ba ito?  Ano ang masasabi mong tunay na ugat ng iyong kaligayahan? Ang hirap sagutin, ano? Pero hindi para sa ating featured Mukha sa pang-buena manong issue ng Jeepney Press ngayong taon, si Marichu Tendero Hatakeyama.


“Umuwi ka na! Magiging lalaki ka na niyan e!”

Ito ang madalas marinig ni Marichu sa kanyang lola tuwing tinatawag siya nitong pauwi mula sa paglalaro.  Kasi naman, laman ng kalsada kasama ang mga kapatid na lalaki sa paglalaro ng teks, holen, goma, patintero at pagpi-picnic sa bubong ng mga kapitbahay kaya lumaking malayo sa pagka-feminine ang bida natin sa isyung ito.  Sa katunayan, gupit-lalaki, larong pang-lalaki at kilos lalaki ang natatandaan niyang batang Marichu, na super-close sa kanyang anim na nakababatang kapatid na lalaki at isang ate. Dahil daw tomboyish, hindi rin siya mahilig sa pag-aayos o paglilinis ng bahay o kahit man lang ng sariling katawan dahil ang laging laman lang ng kanyang isip sa paggising pa lamang ay “Ano kayang lalaruin namin ngayon? Sinu-sino pa kaya ang mga kalaro ko?” 


Holen, orasyon at prinsipyo

Labag man sa kalooban ng batang Marichu na walang inisip kundi paglalaro ng holen, rule of the house ang umuwi bago mag-alas-sais nang gabi upang mag-orasyon, maglinis ng katawan at maghapunan kasama ang buong pamilya.  Para kasi sa kanyang Ilokanang ina, pinakamahalagang oras sa maghapon ang orasyon dahil sama-sama ang pamilya sa pagdarasal at pagkain ng hapunan. Natatandaan pa nga ni Marichu na nagbibistida at nagli-lipstick pa ang Mommy niya para lamang sa mga oras na ito…special moment of the day, ika nga. 

Father’s role naman ang pagdidisiplina sa mga bata.  Kailangan, palaging malinis ang bahay at katawan…kaya hindi nakapagtatakang madalas mapalo ang batang tomboyish na ito para lamang magsepilyo ng ngipin. Isipin nyo na lang na bago matulog, isa-isang aamuyin ng Daddy niya ang hininga ng walong anak! Siyempre, ang hindi amoy toothpaste, may palo para mag-toothbrush. Nakakatawang imagine-nin ano? Pero mahigpit man ang ama sa pagdidisiplina, tumimo naman sa isip ng mga bata ang mga itinuro nito sa kanilang magkakapatid…lalo na ang “Huwag kang magpapanggap ng katayuan mo sa buhay. Halimbawa, gumastos ng ayon lamang sa kaya ng bulsa at sa halip na mangutang para sa luho ay magtrabaho para sa pangangailangan.”  Isa lamang ito sa mga prinsipyo sa buhay na itinuro ng Zamboangenong ama ni Marichu habang nasa hapag-kainan.


“This is your house.  Keep it in any way you want.”

Fast forward tayo.  Anupa’t napadpad na nga sa Land of the Rising Sun si Marichu Tendero, kung saan ay hindi nagtagal at nakilala niya ang tinatawag niya ngayong “husband made in heaven” na siyang naging dahilan ng kanyang pagiging kuntentong Marichu Hatakeyama.  “Friendship and love kasi ang foundation ng marriage namin.  Buti na lang, marunong siyang mag-English, kaya both Japanese and English ang languages naming mag-anak at very open ang line of communication naming lahat,” maaliwalas na bulalas ng misis ni Gen matapos ikwentong lumuhod ito kay Daddy Tendero habang sinasabing “I will make Marichu happy.” Bilang pagtupad sa pangakong ito, ipinamahala ni Gen kay Marichu ang pamamalakad sa bahay at pagpapalaki ng mga anak dahil ang katwiran ng butihing husband, "you have been adjusting to the whole Japanese ways, so here inside our house, I will adjust to your ways...you can design and keep our house the way you want." Kaya siyempre, style Pinoy sa tahanan nila – pagkaing Pilipino with matching kutsara at tinidor sa ayos-Pinoy na bahay, nagtatawagan ng “ate” ang mga anak niya, may nakatakdang prayer time sa araw-araw ang buong mag-anak, may family meetings para mapag-usapan ng buong family ang bawat saloobin ng bawat isa, nakakaintindi ng Tagalog at fluent sa English ang tatlong anak na puro babae (Kei - 18, Anna- 13 at Reina - 5 years old), may division of labor sa bahay lalo na ngayong nagkakaisip na ang mga bata at siyempre, very close ang relationship ng buong pamilya kaya laging excited sa family get-togethers at nagtatanong, “Ano kayang gagawin natin sa susunod na holiday, weekend o bakasyon? Excursion, bowling o karaoke?”  Kung papansinin ninyo, isang modern version ng pinagmulang pamilya ni Marichu sa Quezon City ang angking pamilya niya ngayon.


At the end of the day…

Working mom ang ating Mukha girl. In fact, matapos ang walong taong pagta-trabaho sa IBM, excited naman siya ngayon sa bagong trabaho sa New Sanno Hotel.  Bukod pa rito, naglalaan din siya ng oras para sa community and extra-curricular activities tulad ng pagiging secretary at performer ng Teatro Kanto, production manager ng annual stage play na Vagina Monologues, secretariat-member ng Utawit, at anchorwoman at field reporter ng WINS Channel – iba’t ibang klaseng aktibidades na nagbibigay kulay sa kanyang buhay. 

Pero sa likod ng lahat ng ito, pagkatapos ng bawat araw, pagod man ang katawan at isip, alam ni Marichu na ang araw-araw ay buo at kumpleto dahil sa bawat pag-uwi, bumubulaga sa kanyang mga mata ang tunay na ugat ng kanyang kaligayahan…ang kanyang pamilya, na matiwasay niyang nadiligan at napalago bunga ng mga natutunan niya sa holen, sa orasyon at sa pagsesepilyo.  Sabi nga ng masaya niyang mukha, “They make my life complete.”

Maligayang bagong taon po sa inyong lahat!


Al Eugenio: Sa Likod ng Kamera


Ilan sa mga kakilala ninyo ang ipinanganak sa loob ng taxi?  Ilan naman sa kanila ang hindi umiyak noong ipinanganak?  At ilan sa kanila ang lumaki sa sinehan?  Oo nga't may kanya-kanya tayong uniqueness pero wala akong masabi sa angking kaibahan ng mukhang ipakikilala ko sa inyo sa isyung ito ng Mukha.  Kung napanood ninyo ang "Maruja" (Carmina Villaroel at Rustom Padilla), "Bayarang Puso" (with Lorna Tolentino & Aga Mulach) & "Batang PX" (with Edu Manzano & Zsa Zsa Padilla), marahil ay pamilyar na sa inyo ang pangalang Al Eugenio, photographer at cinematographer na patuloy na naniniwala sa kakayahan ng mga Pinoy saan mang sulok ng mundo.

Ayon daw sa nanay niya, sa halip na umiyak si Kuya Al noong ipinanganak ay tila nagmamasid na inilibot lamang nito ang paningin sa paligid.  Nagtaka kaya siya na ang bumulagta sa kanyang paningin ay mukha ng isang tulirong taxi driver sa halip na mga doctor na nakamaskara?  Siyempre, wala nang makasagot nito. Ang sapantaha lamang marahil ng mga matatandang nakapaligid sa sanggol na ito ay mayroong kung anong kakaiba sa bagong-silang. Malapit sa Sampaguita Village siya lumaki sa paligid ng cinematographer na ninong, mga kaibigang director at production designers ng inang nagtatrabaho sa isang movie firm. Masasabing sa sinehan na halos lumaki si Kuya Al kasi naman dalawang beses sa isang linggo kung manood silang mag-ina ng sine, kasama ang dalawa pa niyang kapatid na kahit sanggol pa lamang at halos hindi pa nakakapagsalita  ay bitbit na nila sa sinehan.  Kaya hindi nakakapagtakang wala pa siyang sampung taon ay gumagawa na siya ng "mini-movies" gamit ang isang simpleng bumbilya bilang ilaw, puting kobrekama bilang screen at siyempre mga kalaro bilang mga artista. At dahil madalas siyang magpunta sa lola niya sa Quezon, natutuhan din niyang mahalin ang nature at gamitin ito bilang background sa kanyang mga munting pelikula.

Madalas na pagsisine at mayamang experience na naani sa paglalakbay sa iba't ibang sulok ng mundo ang masasabi ni Kuya Al na naging personal formula para magkaroon ng mapanuring mata sa likod ng camera.  Matapos mag-around the world nang tatlong beses bilang seaman, naging asset ang kanyang perfectionism sa background, sets at location sa cinematography at photography para sa iba't ibang pelikula sa atin.  Anupa't nagbukas na siya ng sariling photography studio, sumulat ng script at nag-shoot ng humigit-kumulang na tatlumpung movies sa loob lamang ng walong taong pagbabalikbayan.  Kasama ang batikang director na si Joey Reyes, sinimulan nila ang Available Light, ang pinakamatagumpay na production company sa Pilipinas noong dekada 90.  Miyembro rin siya ng tanyag na Filipino Society of Cinematographers sa atin.

Sa kasalukuyang nasa Land of the Rising Sun si Kuya Al, habang patuloy na ginugugol ang oras sa potograpiya para sa iba-ibang mga Japanese photography magazine, nais niyang bumuo ng isang production team na maaaring gumawa ng mga de-kalidad na pelikulang-Pilipino upang maibalik ang Pilipinas sa dating posisyon nito na isa sa pinakamagagaling gumawa ng pelikula sa buong Asia.  Nais niyang magbigay ng mga libreng workshop in all aspects of film-making (blocking, movements in film, costume designing, photography, cinematography at production design) para maibahagi niya ang kasiyahang nararamdaman sa paggawa ng movies.  Hindi ninyo kailangan ang kahit anong special title o experience, basta't may interes kayo sa sine at kung paano gumawa nito, tawag na kay Kuya Al sa 080-5413-9052.  At malay niyo, balang araw, sasabihin nyo na ring "kasama ako sa paggawa ng pelikulang ito"!


Iba't-ibang Mga Mukha ni Mel Kasuya



She surely makes the whole Sta Ana, Manila a proud hometown hindi lang dahil isa ang pinagmulan niyang pamilya sa limang pamilyang Pilipino na pinarangalang "Outstanding Family" ng namayapang Pope John Paul II sa harap ng milyun-milyong manonood sa buong mundo.  Hindi lang din dahil siya ang unang-una at nag-iisang Pilipino na naglagay ng mapa ng Pilipinas sa kasaysayan ng Tokyo University faculty.  O maging isa sa mga haligi at takbuhan ng Filipino community sa maraming lugar sa loob at labas ng Tokyo.  O kahit na ang pagiging isa sa kakarampot na lyric sopranos sa buong Pilipinas o ng pagiging isa sa elders core group ng Couples for Christ Japan chapter at Philippine Pastoral Center.  Isa-isahin natin ang mukha ni Maria Carmelita Zulueta Kasuya.

About Face:  Pinagmulan
Panganay at nag-iisang anak na babae si Mel.  Dahil parehong professor ang mga magulang niya, lumaki silang apat na magkakapatid na may mataas na pagpapahalaga sa edukasyon, pagmamahal, respeto at pang-unawa sa bawat isa at higit sa lahat, matibay na paniniwala at takot sa Diyos.  Mahirap itago ang kakaibang kayamanan ng pamilyang ito, anupa't isa nga sila sa lilimang pamilyang Pilipino na tinawag na "Outstanding Family" ni Pope John Paul II noong bumisita ang Holy See sa Pilipinas noong 1985.  Mga katangiang taglay at baon pa rin hanggang sa makapagpatuloy ng pag-aaral sa Japan, makapag-asawa, makapagtrabaho sa isang prestigious na unibersidad sa Tokyo at makasalamuha di lamang ng mga kapwa Pilipino dito kundi ng ibaít ibang lahi.

Right face:  Unibersidad: Edukasyon at Karera
Professor si Mel sa De LaSalle University sa Maynila nang makapasa siya sa scholarship ng Waseda University upang doon mag-Masteral research sa Applied Organic Chemistry.  Hindi nagtagal, pagka-graduate niya ng PhD sa Tokyo Institute of Technology ng Biomolecular Engineering kung saan niya hinubog ang sarili sa paggawa ng polymers with biomedical application against cancer, ini-request siyang maging Assistant Professor in the Institute of Industrial Science sa Tokyo University o Tokyo Daigaku, isa sa pinakamagagaling at iginagalang na universities sa buong Japan.  Bilang Asst. Prof, bukod sa pag-a-advise sa mga graduate students sa kanilang theses at researches, gumagawa din siya ng sariling research lalo na  tungkol sa sugar na pwedeng gawing trap sa biodegradable polymers, at treatment sa cancer.  First Author din siya sa Journal of American Chemistry Society, and number one na international journal publication sa buong mundo sa larangan ng chemistry.  Anupa't dahil yata sa pagiging university professors ng parents ni Mel na masasabing nagpalaki sa kanya, tila yata napamahal na siya sa halos pagtira sa university kaya hanggang ngayon, malaking bahagi pa rin ng buhay niya ang buhay-unibersidad.

Left face:  Lingkod ng Komunidad
Sa kabila ng tagumpay sa pamilya, edukasyon at karera, hindi nagpipikit-mata si Mel sa pangangailangan ng mga nakapaligid sa kanya.  Sa katunayan, malalaking papel ang ginagampanan niya sa Filipino community sa Japan.  Nasa Elders Core Group siya ng Couples for Christ (CFC) at isa sa mga speakers sa mga seminars nito; nasa core group ng Philippine Pastoral Center (PPC) at isa  sa "utak" ng mga aktibidades nito; leader ng mga Pinoy sa Chibadera Church; isa sa mga unang leaders sa Toyoshiki Catholic Church; founding member ng Philippine Assistance Group (PAG) at sa katunayan ay unang Treasurer ng samahang ito;  isa sa mga Soprano ng Alleluia Choir ng Philippine Embassy; pianista; counselor, kaibigan ng napakaming Pilipino sa Japan.


Forward march:  Ano ang nasa dako pa roon?
Ilang mga tanong na walang atubiling pinaunlakan ni Mel:

Kung uulitin ang buhay niya, alin kayang parte ang gusto niyang maulit at alin ang gustong burahin?  "Lahat pa rin, kahit na yung dalawang cancer na nalampasan ko, gusto kong ulitin kasi kahit na mahirap, I grew in virtue."

Ano pa ang gusto niyang gawin sa buhay? "Ang maging mas proficient pa sa Japanese particularly in scientific terminologies para magawa ko pa nang maayos ang trabahong nakalaan sa akin."

Ano pa ang mahihiling niya sa buhay?  "Kahit kelan, wala naman akong hiniling, pero ibinibigay lang ng Diyos sa akin kaya bakit hindi ko ipapamigay?  Ang masasabi ko lang sigurong kahilingan ko is to be able to glorify God and bring pride to the Philippines in everything I do."

Ano o sino ang inspirasyon niya sa tagumpay?  "Hindi lang sa tagumpay, kundi sa pang-araw-araw na buhay, ang tangi ko lang inspirasyon ay si Kristo.  Kasi if we have a God who is very generous and loving, why can't I, only human, be generous and loving?"

Bakit kaya Mel can't stop to endure, persevere and remain humble?  "Kasi for me, the real essence of humility is knowing that without God, I am nothing.  Kung anong meron ako ngayon, biyaya ng Panginoon, bakit ako kelangang maging mayabang, diba?"

Mensahe sa kapwa-Pilipino sa Japan:  "Tayo ang ambassadors of our own country and we are ambassadors of Christ.  So maging proud tayo of our heritage as Filipinos and it's a coincidence that we are here in Japan.  So let's find out God's will, let us do it faithfully by the lives we live."